45: The best and the worst moment with him

49 9 0
                                    

Marahan akong naglakad papunta sa stage at may pagdadawalang isip akong kinuha ang isa pang mic na inabot sa akin ng vocalist.

“Ayan...may magandang babaeng pinagtulakan ng mga kaibigan para alalayan tayo ng isang awitin.”
Sabi niya at napatawa naman ang mga manonood na nakakita kung paano ako pinagtripan ng kaibigan ko.
May kaba sa dib-dib ko ng humarap ako sa mga manonood. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga paa. Tumingin ako kela Gwyneth, Agatha at Jonathan. Nagtama ang mga mata naming ni Jonathan at nakita ko ang pag-aalala n'ya. Nakita ko rin na hindi n'ya gusto ang mga nangyayari.

Bigla ko naman naramdaman ang mga kamay ng vocalist sa braso ko at tinanong ako kung ano ang gusto kong kantahin. Panandalian akong nagisip at ibinaling ko ang mga mata ko kay Axel. Si Axel na ilang table lang ang layo sa kinauupuan naming tatlo. At ilang hakbang lang ang layo sa stage.
Nakayuko s'ya at pakiramdam ko na talaga ay sinasadya n'yang hindi tumingin sa akin. Hawak n'ya ang maliit na bote ng alak na ilang ulit niyang iniinuman. Nakangiti naman ang mga kaibigan n'ya na ka-team niya rin sa basketball. Nakatingin sila sa akin, alam kong kilala nila ako  at bahagya  s'yang sinisiko-siko ng katabi niya para asarin.

Bumulong ako sa vocalist at kinausap  n'ya ang mga kabanda n'ya. Ilang segundo pa ay tumunog na ang mga instromento at nabuo sa isip ko na gusto ko ng harapin ang nararamdaman kong, pilit kong nilalabanan sa loob ng maraming taon. Tumingin ako kay Axel at buo na ang loob kong ipinako sa kanya ang mga tingin ko.

“🎶I hate the way you walk,
I hate the way you talk,
I hate the way you look at me.🎶” Pagsimula ko ng kanta. Para akong nakalutang sa kawalan. Tumigil s'ya sa paginom. Sumandal s'ya sa kanyang kinauupuan.

“🎶I hate the way you smile,
Hate those big brown eyes,
Cause I know they're not for me.🎶”  Bumabalik sa mga ala-ala ko kung paano ko ginustong maging parte ng buhay n'ya. Parang nag slowmotion ang buong paligid ko ng dahan-dahan s'yang tumingin sa akin. Ito ang unang pagkakataong nagtama ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“🎶Cause we can never be
More than friends and it hurts me
Everytime I close my eyes
All I see is you. 🎶”
Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko habang nakapako ang mga tingin ko sa mga mata n'ya. Seryoso at halos hindi kumukurap na nakatitig sa akin si Axel. Ito ang eksenang matagal kong pinangarap. Yung magtama ang mga paningin namin at baka sakaling maging malinaw sa kanya kung gaano ko s'ya kagusto.

“🎶And this crazy love,
Crazy Love
Oh this Crazy Love
Crazy Love.🎶”
Natapos ko ang unang chorus at muling nagibabaw ang mga instrumento. Ibinaling ni Axel ang mga paningin niya sa iba at muli niyang ininuman ang alak n'ya. Napatingin naman ako kila Gwyneth at Agatha na nakatulala sa akin, habang si Jonathan ay nakatingin sa ibaba at walang halos reaksyon, pero alam ko at dama ko ang pagkainis n'ya sa mga nangyayari. Peri muli kong ibinaling ang tingin ko kay Axel na noon ay nakatingin na sa akin.

“🎶I hate thinking of you
Cause everytime I do
I just keep on missing you
And I hate the way I feel
Everytime your near
Cause its feel like time
is standing still 🎶
Inistraight ng paginom ni Axel ang alak na iniinom n'ya. Mabigat n'ya itong inilapag sa mesa n'ya at saka s'ya tumayo. Bilang nag palpitate ang puso ko, humakbang s'ya papalapit sa akin habang seryoso s'yang nakatitig sa mga mata ko.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now