25: Farah?

52 11 0
                                    

<Jonathan's POV>

Page of My life
(Page 315)
Isang lingo ng maysakit si papa at gusto ko sanang sabihin na malapit na ang final exam namin pero hindi ko pa nababayaran ang balance ko sa midterm. Pero habang pinagmamasdan ko s'ya ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili na kaya s'ya nagkasakit ng matindi, ay dahil sa sobrang pagod sa pagtatrabaho para mapunan ang pang araw-araw naming pangangailangan sa bahay at mabayaran ang tuition fee ko. Yun din ang laging sinasabi sa akin ni mama. Bakit nga naman ako nag college pa kung pwede na akong makahanap ng trabaho kahit high school lang ang natapos ko. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay hindi ko maiwasang malungkot ng sobra dahil may pangarap ako.

Page of My Life
(Page 316)
Nagaway kami ni mama, sinabi niya na wala na akong nagawang maganda sa buhay n'ya. Nasagot ko s'ya ng hindi tama at nasampal n'ya ako. Galit din ako sa kanya dahil pakiramdam ko hindi n'ya ako mahal. Kung pwede ko lang isigaw sa mundo ang sakit na nasa loob ko ay gagawin ko na. Kumatok si papa sa pinto kanina pero hindi ako sumagot para isipin n'yang tulog na ako. Gusto kong lumayas sa bahay na'to, ayaw ko na!!

Page of My Life
(Page 317)
Sinabi ko kila Gwyneth at Agatha na hihinto na ako sa pag-aaral at maghahanap nalang ng trabaho. Umiyak si Agatha at nanahimik lang sa isang tabi si Gwyneth. Gusto nila akong tulungan para sa tution fee ko pero sinabi ko sa kanilang hindi lang ang tution fee ang problema ko kundi si mama at papa na madalas ng magtalo sa pera. Alam kong kayang-kaya akong tulungan ng dalawa pero hindi ko kayang tanggapin na hanggang pagraduate ng high school ay aasa ako sa iba.

Page of My Life
(Page 318)
Nakita ko si mama kanina sa palengke, may kasama s'yang lalaki. Masaya s'ya at noon ko lang nakitang ngumiti ng ganon si mama. Hindi ko sinabi kay papa ang nakita ko dahil baka magaway na naman sila. Kagabi lang ay muntik na nilang masaktan ang isa't isa ng pisikal, buti nalang at hindi nanakit ng babae si papa. Tinext ako ni Agatha na hinahanap na ako sa school ng mga professor ko pero hindi ako nagreply sa  kanya at kahit sumagot ng tawag ni Gwyneth. At ayaw ko silang makita.

Sir? Sir!”  Bigla akong napabalikwas ng marealize kong may taong pumasok na sa opisina ko.

Mr. Domiguez, hindi ka ba marunong kumatok?Sabi ko habang pasimple kong tinatago sa drawer ang diary na binabasa ko.

Ku-kumatok ako sir ah, ang totoo... kanina pa.” Paliwanag n'ya. Napa lunok laway naman ako at huminga ng malalim.

Ano ba 'yun?Mabilis na tanong ko habang inaayos ko ang aking pagkaupo sa upuan ko.

Gusto ko lang na ipaalam sa inyo  na may meeting po kayo with Manager Esperanza  at 2:30 pm sa Paradise Coffee Shop. At sana hindi n'yo nakakalimutan na kayo ang nag set ng meeting na 'yun kaya bawal po kayo malate. Paalala n'ya saka s'ya  ngumiting-pilit, napakunot noo naman ako.

Bakit anong oras na ba? at minamadali mo ko. Naiinis na sabi ko at sa ka s'ya ngumisi. 

Sir... Alas-dos na po ng hapon. May pangigil na sabi n'ya habang nakangiti ng may pangaasar. Nanlaki naman ang mata ko ng tingnan ko ang cellphone ko at nakita kong thirty minutes nalang ang meron ako.

What the...bakit ngayon mo lang pinaalala?! Sabi ko. Mabilis ko namang ipinasok ang ilang documents at business proposal ko sa leather briefcase bag ko. Kinuha ko sa drawer at ipinasok ko rin ang diary at hinanap ko ang coat ko.

Sir, FYI po. Pinaalala ko po 'yun sa inyo kanina pag kapasok na pagkapasok n'yo. Tapos kaninang 15 minutes break time, Lunch time at nag send din ako sa inyo nang personal message about sa meeting na 'yun. Sabi niya. Hindi naman ako nakapagsalita at napatingin nalang ako sa kanya at saka ko s'ya nginisihan.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now