*Paradise Coffee Shop*
Page of My Life
“Another sermon day, hindi pa nangangalahati ang araw ko pero si Mr. Fer sungit ay halos maubos na ang lakas kakasermon sa akin at sa amin. Palibhasa walang love life kaya bitter. Haykss...anyway ilang buwan nalang rin naman at matatapos ko na ang two years contract ko sa kanya. At pagkatapos non pwede na akong maghanap ng trabahong gusto ko at mararanasan ko ng sumahod ng buo. At sana okay lang si Papa Francis sa mga oras na'to. Ano na kaya ang ginagawa n'ya?”Itinabi ko ang Page of my life notebook ko na ilang taon ko nang iniingatan.
Mula noong high school ako ay masasabi kong higit sa kanino o ano man ang pagkakakilala sa akin ng notebook na'to. Ipinatong ko ang ballpen doon at pagkatapos ay kinuha ko ang aking Cafe latte at humigop ako ng konte pagkatapos kong damhin ang mabangong amoy noon. Bahagya akong nakangiting inilapag kong muli iyon sa mesa at saka bumuntong hininga.
Napatingin ako sa labas ng Coffee Shop na'yun at nakita ko ang ilang mga tao na kaka-out lang din sa trabaho. May ibang nagmamadaling makauwi at 'yung iba naman ay sinusulit ang ilang oras pa na kasama ang mga katrabaho nila.
Bigla kong naalala si papa Francis. Si papa na walang ibang ginawa kundi ang maging responsableng ama. Tapos si mama, si mama na hindi ko maunawaan kung ano ba talaga ang gusto n'yang gawin at marating sa buhay.
At... si papa Miguel. Si papa na hindi ko naranasang makasama. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan at pumasok sa isip ko kung ano kaya ang naging buhay ko kung sakaling nabubuhay pa s'ya. Kasal na kaya sila ni mama? o siguro may ibang pamilya si papa Francis at kasal na s'ya sa babaeng mamahalin s'ya ng husto. Siguro hindi s'ya nasasaktan ng ganito. At siguro may sarili s'yang mga anak na magmamahal din sa kanya ng higit sa pagmamahal na ibinibigay ko.
Siguro...nakapagtapos ako ng pag-aaral at binabayaran ang atraso ni mama kay Mr. Fer sa iba at magandang paraan. Hindi sa ganitong sitwasyon na sinisikmura ko ang lahat ng masasakit at pangmamaliit ni Mr. Fer sakin. Siguro...mas naging maayos ang buhay ko, ni mama at lalong-lalo na ni papa Francis.
Naramdaman ko ang pagbigat ng aking pakiramdam habang pumapasok saking isipan ng mga bagay na 'yun.
At nangilid ang aking mga luha ng bigla nalang pumasok sa isipan ko ang mga tanong na;
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Fiksi UmumFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz