07: Maskarang ngiti

78 26 0
                                    

Late nang umuwi si papa Francis kagabi, kaya hindi ko na nagawa ang mga gusto kong gawin kasama s'ya. Bukod pa doon ay hindi ko nagawang mamalengke dahil narin sa nangyaring paghaharap namin ni mama.

Kaya maaga akong nagising upang magluto ng umagahan para sa amin ni papa.

“Anak ano 'yung nangangamoy sunog?” Biglang tanong ni papa Francis na naalimpungatan pang lumapit sa kusina. 

Bumalik ako sa  aking ulirat at tumambad sa akin ang nangingitim na pinipirito kong itlog na napabayaan ko kakaisip. Natataranta akong alisin ito sa kawali.

Ano bang iniisip mo at harap-harapan mo ng hinahalo yan e nasunog pa?Tanong ni papa na noon ay papikit-pikit pa ang mga mata. Napatawa ako sa sarili.

Wa-wala ah! Gusto ko sana kumain ng medyo sunog na pritong itlog, diba mas malasa 'yun.” Palusot ko. 

Sow...sinong niloko mo. Napapangiting sabi ni papa saka s'ya tumalikod.

“Wag mo isipin 'yun hindi ka crush nun.” Pahabol na pangaasar ni papa.

Pa!!” Ang bahagyang pasigaw na sita ko sa kanya. Pumasok s'ya muli sa kwarto na nakangiti. Huminga ako ng malalim at inalis ko sa isip si mama.

Inayos ko ang hapagkainan at pinagtimpla ko s'ya ng paboritong black coffee n'ya.

Pa! breakfast na tayo baka malate pa tayo pareho sa work. Pagiimbita ko sa kanya habang nilalagyan ko ng tubig ang mga baso namin at ilagay sa pwesto n'ya ang kape n'ya.

Maya-maya pa ay lumabas na s'ya sa kwarto na nakabihis na.

Oh! hindi kayo naligo? ewww.” Pangaasar ko. Saka ako tumawa. Tiningnan n'ya ako ng masama.

Naligo ako kagabi pagkatapos kong uminom. At saka ang lamig-lamig ng tubig sa maaga.” Paliwanag n'ya at saka n'ya sinimulang lagyan ng kanin at ulam ang plato n'ya.

Sows..kunyari ka pa e hindi ka naman talaga naliligo.Pangaasar ko at saka ko sinimulang  kumain.

Ikaw bata ka, kung wala kang magandang sasabihin kumain ka nalang, hala ubusin mo'to.” Nanggigigil na sabi n'ya saka n'ya nilagyan ng maraming sunog  na piniritong itlog 'yung plato ko.

“Oh, diba gusto mo kumain ng sunog na itlog kasi malasa, sige sayo na lahat yan tapos akin 'tong mga hotdog.”  Sabi n'ya at saka ko s'ya pinaningkitan na mga mata. 

Talagang kakainin ko'to.” Nakabusangot na sabi ko. At saka kami nagtawanan.

Nanahimik kami saglit at kumain ng maayos.

Saan ka pala nag-inom kahapon pa? inantay kita dito sa bahay maghapon e, nakatulog nalang ako wala ka pa?” Seryosong tanong ko.

Haykss, 'wag kang magalala naka tatlong bote lang ako ng alak. Saka nagkawentuhan lang kami ng kumapare ko kaya natagalan akong umuwi.Sagot n'ya.

Tatlong bote o tatlong ulit ng tatlong bote ng alak? Sabi ko at saka ko s'ya pinaningkitan  ng mata. Tumigil s'ya sa pagsubo at inilapag ang kutsara't tinidor sa plato n'ya.

Tingnan mo'to, magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala, stk..stk.” Sabi n'ya saka s'ya umiling-iling. Napangiti nalang ako sa pagkamapikon n'ya. Huminga ako ng malalim.

Pinagmasdan ko s'ya habang pinagpapatuloy n'ya ang pagkain n'ya. At doon ko naisip na, sa kanya yata ako nagmana ng pagiging artista. Sa tuwing hindi na s'ya nakakainom, hindi mo na mahahalata sa kan'ya na hindi s'ya okay. Kaya n'yang  mangasar at patawanin ang iba kapag walang alak na nagtatanggal ng mga maskara n'ya. Napapangiti na nalulungkot nalang ako habang nakapako ang mga mata  ko sa ekspresyon ng mukha n'yang walang bahid ng lungkot at sakit.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now