08: A friend that is always there

83 25 0
                                    

May nakaupo sa paburito naming upuan sa park kaya nagpunta kami sa ilalim ng isang puno na sa pagkakaalam ko ay mas matanda pa sa amin. Noong nasa high school palang kami ay may mga pagkakataong doon kami natambay. Hihiga kami sa damuhan noon at aabutin kami ng maghapon na magkakasama. Doon kami nagaasaran,naglalaro, nagkukwentuhan at kung minsan din ay nagdadramahan. 

Gaya ng dati ay naglaro kami ni Gwyneth ng mataya-taya pagkatapos naming kumain ng ice cream

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gaya ng dati ay naglaro kami ni Gwyneth ng mataya-taya pagkatapos naming kumain ng ice cream. Ang larong nakasanayan naming tatlo at lagi naming ginagawa noong high school kami.

Ang sarap lang balikan.

At kasabay ng pagdidilim ng paligid ay ang aming pagkapagod sa paglalaro. 
Huminto ako at hinabol ko ang aking hininga habang hindi ko mapigilan ang pagtawa ko sa kalokohan naming dalawa.

Umupo sa damuhan si Gwyneth at naghabol din ng hininga. Tumingin s'ya sa malayo, umupo ako sa tabi n'ya at humihingal naming pinagmasdan ang mala rosas na kalangitan sa pagkawala ng araw.

Tumahimik ang paligid at tanging ang himig lang ng hangin ang hinayaan naming mangibabaw ng mga oras na 'yun. Naalala ko tuloy ang kasabihang sinabi ni Gwyneth noon. “True friendship comes when the silence between two people is comfortable, by David Tyson.” 

Muli akong nakaramdam ng kakaibang kapahingaan at saya. Pakiramdam ko ay muli akong nakauwi sa aking tahanan.

Kamusta? Tanong ni Gwyneth pagkatapos ng ilang minutong pananahimik. Tiningnan ko s'ya at nakapako sa malayo ang mga tingin n'ya.Ngumiti ako sa kawalan.

I'm Fine. Sagot ko.

As always. Bulong n'ya.

Ikaw? Tanong ko.

Fit as a fiddle.Sagot n'ya. (She's in a good health.)

Wow...deep. Sabi ko saka ako ngumiti. Napatawa s'ya.

Muling tumahimik ang paligid.

“Alam mong, I'm always here for you, right? Tanong n'ya at saka n'ya ako tiningnan. Nagtama ang aming mga tama.

Yeah, matagal na.Sagot ko sa kanya saka ko s'ya nginitian.

Good,”  Mahinang sabi niya.

Gusto n'yang magkwento ako pero hindi ko alam kung papaano. Alam ko rin na sa aming tatlo ay mas good listener s'ya higit kanino man. Pero s'ya din yung kaibigang  hindi mapilit. Pero sino nga ba ang namimilit magtanong sa taong sumagot na ng okay lang s'ya?

At kahit bestfriend ko si Gwyneth at Agatha, hindi ko parin alam kung paano mag open-up sa kanila.
Nasa utak ko na sabihin sa kanyang;

Nakita ko si mama, I hated her. I cried last night, naiinis ako sa sariling walang magawa para kay papa Francis, pinagalitan nanaman ako ng boss ko, miss ko na kayo and I'm always feeling lost. Pero...hindi lumalabas sa bibig ko and I hate it.

Everything will be okay Farah. Biglang sabi ni Gwyneth. Muli akong napatingin sa kanya. Nakatingin s'ya sa malayo.

“Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced.” Dugtong n'ya, tumingin s'ya muli sa akin.

Soren Kierkegaard” Nakangiting pahabol niya. Hinampas ko s'ya sa braso.

Wala ka nang ibang ginawa kundi sabihan ako ng mga malalalim na salitang natutunan mo.”/Natatawang sabi ko sa kanya.

Ang babaw nga lang non e.” Paliwanag n'ya.

“Pero sana nga ganon lang kadali kumbinsihin ang sarili na hindi problema  ang lahat, pero thank you parin Gwyneth.” Sabi ko at saka ko s'ya tiningnan.

You're welcome. Sagot n'ya at saka niya ako tinitigan. Ibinaling ko sa iba ang mga tingin ko.

If I could take your troubles I would toss them into the sea, 
 But all these things I'm finding Are impossible for me.
 I cannot build a mountain Or catch a rainbow fair,
 But let me be what I know best...
 A friend that is always there.” Sabi n'ya. Muli akong tumingin sa kanya.

"Khahlil Gibran" Pahabol n'ya. Hinimas n'ya ang buhok ko at saka kami ngumiti sa isa't isa.

Gustong-gusto ko na tinutula n'ya sa akin 'yun at kahit kay Agatha. Ang tulang halos mamermorize ko din dahil laging bukang bibig n'ya pag nage-emote kami sa kanya. 
Si Gwyneth, kahit kelan naiiba talaga s'ya.

Nanatili pa kami ng ilang minuto doon bago kami nag pasyang umuwi.

Page of My Life

Everything will be okay, Farah” She's right. At kahit hindi ko pa maiisip kung paano magiging okay ang lahat pero palagi akong naniniwala sa salita ni Gwyneth. I know that everything...

Nahinto ako sa pagsusulat ng biglang may nagtext sa cellphone ko. Kinuha ko agad ito.

Si Agatha.

Gwyneth told me something and I hate you guys! I really do!” Sabi n'ya sa text na nag pop-up na agad sa screen ko. Napatawa ako. Binuksan ko agad ang message n'ya at nireplyan ko s'ya.

I know. I miss you. Reply ko.

I hate you parin.hahahaSagot n'ya.

See you soon. Sabi ko.

"Okay. May utang kang gala sa akin." Reply n'ya na may smile and heart emoticon.

Ngumiti ako at muli kong binaling ang mga tingin ko sa Notebook ko. 

Everything will be okay.

*****
<Note>
"Please support this first story of mine.
Do not forget to read, vote
or leave some comments for my improvement.
T H A N K   Y O U!"

#supportmy_channel

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now