39: Getting to know each other?

39 10 0
                                    

<Jonathan's POV>

Kamusta buhay may asawa?
Maypangaasar na bati sa akin ni Clifford  pagpasok ko sa gym.

Sapak gusto mo?Napapatawang sabi ko at saka kami nag friendship sign at pagkatapos ay saka ko ibinaba ang sportbag ko at naupo muna sa isang upuan.

Come on dude alam kong gusto mo rin na marining 'yun.” 

Shut up! Sabi ko at saka ko nginitian si Eric na palapit sa amin. Medyo pawisan na ito at bahagyang hinihingal.

Kamusta date n'yo?” Bating tanong niya. Napa-inis tawa naman ako.

Pati ba naman ikaw? 'wag ka na nga magsama-sama dito kay Clifford at siguradong magiging malisyo kana rin. Sabi ko. Napakunot noo naman si Clifford.

Come on dude, wala namang hindi magsasabing hindi date 'yung ginawa n'yo e.Paliwanag ni Clifford.

At isa bro sa loob ng mahigit isang taon, ngayon ka lang ulit hindi nagpunta ng sunday dito para lang makipag... alam mo na 'yun” Nangaasar na sabi ni Eric.

Pero...mas okay ng isipin kong nagtatrabaho s'ya sayo kesa sa nagsasama na kayo. Sabi niya at saka niya kinuha ang energy drink niya sa bag n'ya.

Really?Naaasar na sabi ko sa kanila at pinagtatawanan lang nila ako.

What's up! what's up!?” Biglang sulpot na sabi ni Jack at saka ito umakbay kay Clifford at tumingin sa akin.

What's going on here? Biglang bati naman ni Dave na sumulpot mula sa likuran ni Jack. 

Ang mga classmates and friends ko since college.

Balita ko men hindi ka nalang basta busy business man ngayon ah...busy lover boy kana rin.” Nakangiting may pang-aasar na sabi ni Jack.

Wala ka bang balak ipakilala sa amin yan? Aba mahigit isang taon ka naring hindi nagi-introduce ng babae sa amin ah.Sabi naman ni Dave na naka hawak na sa braso ni Eric. Napatingin naman ako ng masama kay Eric.

You know me bro. Sabi niya. Kaya napatingin ako kay Clifford na umiinom ng tubig at hindi makatingin sa akin ng diretso. Napailing nalang ako sa kanya.

Anyway...we're all happy for you dude. Kasi simula noong magtapos ang sa inyo ni Olivia hindi ka na namin nakitang masaya.” Sabi ni Dave at saka s'ya lumapit sa akin at tinapik ako sa balikad.

Teka nga...” Sabi ko at saka ako tumayo sa pagkakaupo.

Alam n'yo guys nagkakamali kayo, okay. Wag nga kayo nagpapaniwala dito kay Clifford, mamaya makarating pa 'yan sa isa ano nalang sasabihin ko don.Naiinis na sabi ko sa kanila.

Weeeeh.” Halos sabay-sabay na sabi nila.

Wha-what?Naiilang na sabi ko.

Come dude, kilala ka namin pag dating sa babae. At saka kahit hindi pa sinasabi sa amin ni Clifford ay nahahalata naming nagkakabuhay ang awra mo.”  Sabi ni Jack.

Oh My God! Ang tanging nasabi ko.

Tama na nga 'yan, 'wag n'yo na asarin baka mamaya totohanin niya na 'yan.” Biglang sabi ni Eric at saka ito umalis. Napapainis tawa nalang ako sa kanya.

Sabagay...s'ya nga pala sama kana sa inuman next time ah. Sabi ni Dave at saka s'ya sumunod kay Eric.

Congrats pala, nito ko lang nalaman na nakuha mo pala last month si Mr. Esperanza. Matagal ng nililigawan ng pinsan ko para maging investor din nila kaya lang nahihirapan s'ya paamuhin.Sabi ni Jack pagkatapos niya akong tapikin sa balikat.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now