33: Open-up to a stranger

59 11 0
                                    

<Farah's POV>

Mas magaan ang pakiramdam ko ngayon kesa kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit biglang narito ako ngayon, nakaupo sa isang pangmayamang sofa katabi ang isang lalaking hindi ko pa lubusang kilala. Lalaking may alagang pusa na halatang mahal na mahal niya. Isang lalaking pangalawang beses ko palang nakikita. Pero kahit na ngayon ko lang s'ya nakausap at nakasama  ay hindi ko maitatanggi sa sarili na napakagaan ng loob ko sa kanya.

Idinilat ko ang aking mga mata at saka ko s'ya nilingon. Buong laya niya ring isinandal ang katawan n'ya sa sofa niya. Nakatingala s'ya sa taas habang nakatulala s'ya sa kawalan.

Nakakapagtaka.  Hindi ko alam kung bakit napaka komportable ng loob ko sa kanya. Dahil kaya sa kabutihang pinapakita n'ya o dahil sa kung pakitunguhan at tratuhin niya ako ay parang matagal n'ya na rin akong kilala.

Huminga ako ng malalim at bahagya akong nagtataka sa nangyayari habang tinititigan ko s'ya.

Hindi ako madaling matunaw kapag tinititigan ng ganyan, pero 'yung kape mo...”  Tumingin siya sa akin.

Paniguradong lalamig 'yan agad pag hindi mo ininom.Bigla naman akong nagising sa ulirat at ibinaling ko sa kape ko ang atensyon ko. Naaninagan kong napatawa s'ya at bigla akong nakaramdam ng pagkahiya.

Anyway...can I ask you something? Biglang tanong n'ya habang patuloy niyang hinihimas-himas ang nakatulog na si Happy. At nakaramdam naman ako ng bahagyang kaba.

o-oo naman. Kinakabahang sabi ko. Nagisip s'ya saglit.

What happened? Mahinang tanong n'ya. Napatingin naman ako sa kanya at halatang seryoso s'ya sa pagtatanong.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Dahil unang-una hindi ko naman s'ya lubos na kilala at higit sa lahat hindi ako marunong mag open-up lalo na sa hindi ko pa nakakasama ng matagal.

Turo sa akin ng parents ko dati. Do not talk to strangers. Pero noong one time na ginawa ko 'yun. Feeling ko 'yun na 'yung pinaka magandang ginawa ko sa buhay. Sabi niya. Lumingon s'ya sa akin, nagtama ang aming mga mata at nginitian niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa isang iglap  parang ang dami kong gustong ikwento sa kanya.

Not ready?...it's okay. You don't have to say anything. Sabi niya.

Last week...monday. My step-father passed away. Sabi ko at nabigla ako sa lumabas sa bibig ko. Bumigat ang aking pakiramdam. Tiningnan n'ya ako. Ininuman ko ang kape ko na palamig na. Tumingin ako sa kawalan at saka ako huminga ng malalim.

Iniwan n'ya ako bigla. Iniwan niya ako pagkatapos n'yang iparamdam sa akin na okay na s'ya.Pagpapatuloy ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Pero sa unang pagkakataon ay wala sa isip ko na pigilan ang mga 'yun.

“Kung...alam ko lang na 'yun na ang huling pagkakataon na makasama at makabonding s'ya. Sana...sinulit ko na.Dugtong ko at tuluyang umagos ang aking mga luha. Habang ang mga huling bonding namin ang laman ng utak ko. Ang mga kwento at ngiti ni papa na mis na mis ko na.

I'm sorry. Biglang sabi ni Jonathan. At naaninagan kong nakatingin s'ya sa aking nang may buong pagsimpatya. Pinunasan ko ng kamay ko ang aking mga luha at saka pilit na ngumiti sa kanya.

Nang malaman ko ang bad news na 'yun nasa trabaho pa ako. Ako yung huling nakaalam ng balita. And...then I passed out sa sobrang bigla nong makita ng dalawang mata ko si papa na wala na talaga. Then when I woke up akala ko panaginip lang ang lahat. Pero mali ako...hindi pala panaginip ang lahat. Dugtong ko. Muli akong huminga ng malalim.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now