03: My name's defination

111 33 0
                                    

Ako si Farah Cruz, dalawangput-tatlong taong gulang na.

Ako si Farah Cruz, dalawangput-tatlong taong gulang na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa papel ay anak ako nina Francis and Ella Cruz. Sa malinaw na pagpapakilala ng aking sarili. Si Francis ay step-father ko lang at si Ella ay tunay kong ina.

Sabi ni mama, 5 months palang ako sa sinapupunan n'ya noong atakihin ang aking tunay na ama sa puso at namatay din kalaunan. Si Francis Cruz ay isang masugid na manliligaw ni mama noong dalaga palang ito at huminto lang noong nabuntis si mama sa tunay kong ama. Labing-walo lang si mama ng magbuntis s'ya sa akin at kasalukuyang nagaaral noon ng kolehiyo. Ang aking lolo at lola naman sa side ng aking ina ay maaga ding nagsipag panaw. Kaya si mama ay nakikitira lang noon sa mga kapatid niya. Nawalan lang s'ya ng suporta mula sa kanila mula noong nabuntis s'ya ng aking ama. Huminto s'ya sa pagaaral at nagsimulang makisama sa ama ko kahit hindi pa sila kasal.

Noong mamatay daw ang aking tunay na ama ay sinalo ni Francis ang lahat ng resposibilidad na naiwan ni papa. At pinatunayan niyang seryoso s'ya sa pagmamahal niya kay mama Ella sapapamagitan ng kasal. Ilang buwan pagkatapos kong isilang ay pinakasalan ni Francis Cruz si mama. At kahit ang apelyedo n'ya ay ibinigay niya rin sakin.

Bata palang ako alam ko nang hindi s'ya ang aking tunay na ama. Natatandaan ko parin hanggang ngayon kung paano n'ya ipinakilala sa akin ang aking ama, yun ang surprise n'ya sa aking ika-sampong taon na kaarawan.

Ang totoo tumakas lang kami noon kay mama dahil ayaw talaga ni mama ang dumalaw ako sa puntod ng tunay kong ama, dahil ayon sa kanya si Francis naraw ang papa ko at wala ng iba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang totoo tumakas lang kami noon kay mama dahil ayaw talaga ni mama ang dumalaw ako sa puntod ng tunay kong ama, dahil ayon sa kanya si Francis naraw ang papa ko at wala ng iba.

Pareng Miguel,s'ya si Farah, ang unika iha mo kay Ella.”Nakangiting sabi n'ya noon at saka n'ya ako bahagyang hinaltak sa harapan ng puntod ni papa. Naroon din ang kanyang maliit na larawan. At sa unang pagkakataon ay hindi ko lang nalaman ang pangalan n'ya, nakita ko rin kung ano ang itsura n'ya. Nasabi kong halos sa kanya ko namana ang lahat. Mata, ilong at bibig. Hugis lang ng mukha ang pinagkaiba naming dalawa. Medyo lapad ang mukha n'ya at napansin ko rin na mas matanda s'yang tiningnan kesa kay papa Francis noon.

Hinawakan ko ang mga kamay noon ni Papa Francis at naiyak ako sa sobrang saya. Niyakap n'ya ako at hinding-hindi ko malilimutan ang mga sinabi n'ya sa akin noon.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now