27: Mga masasayang ala-ala

57 12 0
                                    

Page of My life
(Page 315)
"Nauubusan na ako ng dahilan para maging masaya. Kelan lang pinagtrabaho ako ni mama sa taong hindi ko kilala. Ginamit n'ya ako bilang pangbayad sa mga pagkakamali n'ya. Tapos si papa. Si papa Francis na nagbago na. Iniwan kami ng babaeng inaaasahan naming magiging liwanag sa binubuo naming pamilya. Anong klaseng buhay 'to? Bakit parang ang hirap namang mabuhay sa mundong 'to? Pinipilit kong maging positibo pero bakit ganon...bakit parang ang hirap-hirap..."

Bahagya akong napatulala sa kawalan, habang binabasa ko ang pang three hundred and fifteen page ng diary ni Farah. Mula noong gumraduate s'ya ay hindi ko na naramdaman na naging masaya s'ya. Huminga ako ng malalim at muli kong tiningnan ang page na 'yun na parang hindi n'ya natapos pang sulatan.Parang may gusto pa s'yang sabihin pero hindi niya na nagawa. Bakas sa papel ng page na 'yun ang tila mga tulo ng luha. Mga patak ng luha na tinuyo na ng mga nagdaang panahon, mga maaaring luha n'ya na dala ng pagkapagod at lungkot kaya siguro hindi n'ya na naituloy pa ang magsulat para sa araw na 'yun.

Ilang araw na rin ang lumipas mula ng makita ko ang babaeng 'yun na sa aking palagay ay si Farah. Naisip ko kung ano na kaya ang kalagayan n'ya ngayon? At bahagya akong napapangiti habang iniisip kung saan s'ya nakakahugot ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay kahit hindi sumasangayon sa mga plano at pangarap n'ya ang mga realidad.

***

<Farah's POV>

"Wow, mukhang masarap 'yang pasalubong mo sa akin pa ah."
Sabi ko sa kanya. Habang nakaupo na akong pinapanood s'yang nakangiti at habang nilalagay n'ya sa mangkok ang dala n'yang kaldereta, na binili n'ya sa labas dahil hindi na s'ya nakapagluto pa at halos sabay lang kaming umuwi galing trabaho.

"Alam ko kasing gutom kana. At dahil pinag ot kami ng boss ko kaya late na talaga ako makakauwi." Paliwanag n'ya. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at kumuha ako ng kanin at mga plato. Naglagay narin ako ng basong may tubig at saka kami sabay na naghapunan ni papa.

Kinuwento n'ya sa akin kung anong ginawa n'ya mag hapon. Pinagyabang n'ya na natuwa sa kanya ang supervisor n'ya dahil sa sipag na pinapakita n'ya kahit matagal na s'yang regular employee. Nagsabi s'ya ng mga corny n'yang jokes at natawa ako sa pagiging trying hard n'yang magpatawa.

Masaya akong makitang bumabalik na s'ya sa dati. At habang pinagmamasdan ko s'ya ay nangingilid ang aking mga luha sa sobrang kaligayahan na makita s'yang muli ng nakakatawa. Sa katunayan mas naging malambing s'ya nitong mga nakaraan kesa sa dati. At wala na akong ibang dasal para sa kanya kundi ang muling maging masaya.

S'ya ang nagligpit ng mga pinagkainan namin at s'ya din ang naghugas ng pinggan kahit sinabi ko na ako nalang.

Kaya nanood nalang ako ng tv sa may sala at inantay s'yang matapos. Maya-maya pa ay umupo na s'ya sa tabi ko at nakinood. Kinuha n'ya ang remote ng tv at walang kibong inilipat n'ya ito sa sport channel na madalas niyang pinapanood. Hindi ko naman inaalis sa kanya ang mga tingin ko habang naka crossed-arm ako. At ilang minuto pa ang lumipas ng mapansin n'ya ako.

"Ba-bakit ganyan ka makatingin nak?" Biglang tanong n'ya.

"Bukod sa papuri ng boss mo sayo ay ano pa talaga ang magandang nangyari sa'yo ngayon ha pa?" Tanong ko at saka ko s'ya pinaningkitan ng mga mata.

"Hayks..ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Sabi niya.

"Eh kasi, napansin ko lang na parang ang sipag-sipag mo at lambing-lambing mo ngayon. At hindi lang ngayon kundi kahit noong mga nakaraang araw pa." Sabi ko. Saka ako umayos ng upo at tumingin sa tv.

"Ta-talaga? abay hindi ko naman nahahalata nak." Sabi niya. At saka n'ya ako nginitian. Bumalik s'ya sa panonood ng tv at bahagya ko s'yang tiningnan. Doon ko narealize na parang hindi naman n'ya sinasadya ang lahat at marahil ay unti-unti na s'yang nagbabago para sa sakin at sa sarili n'ya. Hindi na ako nangintriga ng gabing 'yun at sinusulit ko nalang ang mga pagkakataong good mood si papa Francis.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now