<Farah's POV>
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. May kung anong kaba sa dib-dib ko na kagabi ko pa nararamdaman. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Jonathan. At hindi ko alam kung paano ko s'ya haharapin at kakausapin pagkatapos ng paguusap namin kaninang madaling araw.
Huminga ako ng malalim habang marahan kong hinahalo-halo ang ini-eksperimento kong chicken soup para sa bahagyang sakit ng ulo ko.
“Baka naman matuyo na 'yang sabaw mo?” Biglang tanong ni Jonathan na sapat kong ikagulat. Bumalik naman ako sa ulirat at doon nga ay mabilis kong pinatay ang stove at inilagay sa mangkok ang sabaw na ginawa ko. Dama ko sa sarili ang pagkataranta ng makita ko si Jonathan na nakasandal sa pader at pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako makatingin sa kanya.
“Tanghalian na, may gusto ka bang kainin ako na magluluto.” Sabi niya at saka s'ya lumapit sa ref at kumuha ng tubig.
“Ah, ka-kahit ano.” Sagot ko.
“Sabaw gusto mo?”
“No thanks, nagkape kami ni Clifford kaninang umaga bago s'ya umalis. Si...Gwyneth andyan pa?” Tanong niya. Bahagya naman akong nagtataka sa pakikitungo niya na parang wala s'yang sinabi sa akin kagabi. Nakaramdam ako nang pagkainis sa kanya.
“Ah, kakaalis lang, nagpapasalamat nga sa pagimbita mo e. May gagawin din kasi s'ya today.”
“Ahh..ganon ba? okay.” Sabi niya at saka siya s'ya umupo sa tapat ko na may dalang banana bread at tubig. Pilit ko namang ibinaling sa iba ang aking mga tingin. Naaaninagan ko namang nakatingin siya sa akin. Bigla akong kinabahan.
“How's your sleep?” Tanong niya. Bahagya naman akong napangiti sa kanya.
“Okay lang, ikaw?”
“Uhmnn okay lang din, nakatulog ako ulit pagkaalis ni Clifford at ng iba pa.” Sagot niya. Habang kumakain nang tinapay. Napatango lang ako.
“Magluluto ako ng tanghalian natin, bali 'yung ibang kalat nalang sa sala ang atupagin mo.” Utos niya.
“Okay.” Sabi ko at saka ko s'ya pilit na nginitian.
Ilang minutong tumahimik ang paligid. At naalala ko ang huling usapan namin ni Gwyneth.
“Ahh...Jonathan.” Sabi ko.
“Yes?” Tanong niya at nagtama ang aming mga mata. Bumalik sa isip ko ang kabang naramdaman ko ng matitigan ko kagabi ng sobrang lapit ang mga mata niya.
“May sasabihin ka?” Tanong niya muli at bigla akong bumalik sa ulirat.
“Ahh gusto ko lang ipaalam sayo na, handa na ako.” Sabi ko.
“Handa sa ano?”
“Ha-handa na akong bumalik sa Brgy. Bagong Pagasa.” Sabi ko at napansin ko ang biglang pagbabago na mga ekspresyon niya.
“Nakausap ko kanina si Gwyneth at handa nila akong tulungan para magkaroon ng bagong simula at makahanap ng bagong pag-asa sa Brgy. Bagong Pag-asa.” Sabi ko at saka ko s'ya pilit na nginitian.
“I knew it.” Sabi niya habang walang emosyon s'yang bahagyang nakayuko. Uminom s'ya ng tubig.
“I'm sorry.” Dugtong niya. At bigla akong nakaramdam ng lungkot ng makita s'yang nadidismaya.
“Wag mo sanang isipin na kaya ko 'to ginagawa ay dahil sa..”
“Sa nangyari ka gabi?” Biglang sabi niya. Napatahimik lang ako. Dahil ang totoo bukod sa pinagiisipan ko na talagang bumalik sa dating mundo ko ay dahil narin sa pagtatapat na ginawa niya kagabi.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Ficción GeneralFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz