Chapter 01

673 122 44
                                    

WARNING : THIS STORY IS NOT EDITED you will incounter wrong grammar, punctuation marks and loopholes.  KAJEJEHAN AT KALOKOHAN NI AUTHORS AHEAD. I write this story without knowledge in writing basta sulat lang ako ng sulat.

P.S. I'm currently editing every chapters.

Sign that it's already edited ;

Chapter Number : Title of the Chapter

Example :

Chapter 01

Chapter 01 : Nightmare

Sign that it's not edited ;

Chapter Number (Title of the chapter)

Example ;

CHAPTER ONE

CHAPTER ONE
(Nightmare)

___

Chapter 01 : Nightmare

"Saan ka nanggaling?" salubong na tanong ni Mommy. Tinignan ko lang siya. Is she wait for me to come home? Para ano? Para ibuhos na naman ang inis niya sa akin.

"Diyan lang..." walang ganang sagot ko.

Ano bang paki niya kung saan ako pumunta? Kailan ba siya nagka-paki sa akin? Ngayon? That will never happen. Never. Kahit kailan wala siyang naging paki sa mga ginagawa at pinupuntahan ko, pati na rin sa akin. Hindi ko lang alam kung anong problema niya ngayon.

"Uminom ka na naman! Ngayon ka na nga lang umuwi rito ay lasing ka pa!" singhal niya. Nakayukom ang mga kamao niya na para bang gigil na gigil sa akin.

Inilibot ko sa bahay ang paningin ko. Hindi ko makita ang ama ko. Nasaan kaya siya? Kadalasan kasi ay dalawa silang sumasalubong sa akin ng sermon.

"Sino?" tamad kong tanong kay Mommy. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin dahil sa sinabi ko.

"Sino pa ba 'di i—"

"Kausap mo?" putol ko sa sasabihin niya.

Susugurin niya na sana ako pero biglang sumulpot si kuya Ethan at pinigilan siya nito.

"Go to your room now." mariin na utos nito sa aki, "move now, Angel. And we're going to talk." dagdag niya. Napairap na lang akong sumunod sa kaniya.

Mag-uusap kami? O baka nman sesermunan niya rin ako. Walang bago. Si mommy nga ay araw araw ginagawa 'yon ang pagalitan at sigawan ako kahit na wala naman akong ginagawa. Para bang lahat ng sama ng loob niya, sa akin ang bagsak. Araw araw niya akong sinisigawan at nakakasawa na kaya lumayas ako tapos uuwi lang pag gusto gano'n. Kaya kapag umuuwi ako, sermon niya ang sasalubong sa akin na nakasanayan ko na.

Si Kuya Ethan, takot ako sa kaniya noon. Ayaw na ayaw kong inu-utusan utusan niya ako pero hindi ko naman magawang sumuway. Hanggang ngayon naman ay takot pa rin ako sa kaniya ngunit hindi gaya ng dati.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now