CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN

76 13 4
                                    

Author's Note :Dapat kagabi pa ito pero poorita ang babaeta walang pang internet ,Sorry sa mabagal na update,sisihin niyo mudole ko!hahaha,And nag iidet din kasi ako sa ibang chapters ko para maayos,I know i know its unfair para sainyo na nauna na,na narito na sa chapter na ito,pero hope you understand naman!labyu!❤️

_Tatashart.

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN
(Making Scene)

Angel's point of view

Me,myself and i... Ako talaga,ako lang nagdusa sa kabaliwan ni Gaio buong mag damag hanggang sa makatulog siya.

Hayst bakit ba kasi ambilis ko na uto sa pang uto nilang 'masisiyahan ka promise price na yan!!'

Naka upo na ako ngayon sa tabi ni Gaio habang pinapanood ko siyang himbing na himbing na sa pag tulog.Samantalang ako ni antok hindi ko maramdaman.

Bahagyang natawa pa ako ng mahina ng makita ko na ngumuso siya tapos suminghot singhot na kinamot ang ilong niya habang tulog.Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa muka niya saka ko tinungki yung ilong niyang matangos.

"Hayst.... Ang ganda ng pigura mo kaso utak mo may sira na"mahinang sambit ko.

"Pinupuri mo ba siya o ano?"

0_0?

Nanlaki pa ang mata ko sa gulat ng may nagsalita mula sa likod ko.At ng lingonin ko kung sino yun ay si Dra.Magpali pala.

"Nasa sayo na kung paano mo iintindihin yung sinabi ko"sagot ko.

Natawa naman siya ng mahina pero halatang hindi niya nagustuhan ang pag sagot ko sakanya ng ganon.Paki ko ba sa doctorang yan?ibalibag ko pa yan eh.Baka plastic din yan gaya ni Pia,maganda tapos mabait yun pala plastic.

"Uhmm, bakit hindi ka pa matulog?or umuwi?late na oh..may klase ka pa bukas"pag iiba niya ng usapan.

Napabuntong hininga nalang ako,Hindi ko na siya masasagot ng pabalang dahil na guilty na ako at tama naman siya sa sinabi niya.

"Uuwi din ako"yun nalang sinabi ko.

Pinanood ko lang siyang cheneck si Gaio.

"His parents want me to do this"pag sasalita niya habang inaasikaso si Gaio at kung ano man yung ginagawa niya." To check him every 3 hour"dagdag niya.

Napatango na lang ako,edeh sana gising si Gaio ng marinig niya yung sinabi ni Dra.Magpali at nang maniwala na siya na nag aalala yung parent siya sakanya at hindi lang yun basta acting  actingan lang ng parent niya.

Nang nakampanti na ako na okay naman na siyang iwan rito dahil babantayan naman siya saka ako umuwi.

Naabotan kong patay na lahat ng ilaw sa bahay,Pumasok na ako at saka agad na nagtungo sa kusina at nagluto ng panlaman tiyan.Hindi na kasi ako kumain kanina dahil sa pag aasikaso ko sa damulag na iyon.

Kinabukasan....

Maaga akong nagising at nagluto na ako agad ng lugaw, nagustuhan kasi ni Gaio yung niluto ko kahapon eh,naubos nga niya eh!hahaha.

Malapit ko ng maluto ay nag sibabaan naman ang mga kagigising lang.

"Uhmmm!ano yun!!ang bango bango naman!"rinig kong sabi nila tapos nagpuntahan agad sila sa kusina.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now