Chapter 10

190 68 0
                                    

Chapter 10

Angel's point of view

"Gusto mo?" tanong ni Gaio pero tamad na tinignan ko lang siya at umiling.

Kanina pa siya kain ng kain!

Nasa sala kami ngayon nakatambay. Malalim na ang gabi at pare-pareho naman kaming hindi nakatulog. Ang ilan sa amin ay lumabas, ang ilan ay nasa swimming pool at nainiom ng alak.

Ako rin ay gusto ko ring lumabas ngayon para magpahangin at makapag-isip isip ang kaso ay hindi na nila ako pinayagan. Gabi na kasi at baka magdugo na naman raw ang sugat ko.

"Ngeh? Ayaw mo? Ang sarap kaya ng mangga na 'to. Hindi masyadong maasim."dagdag niya at kumain ng manga sa harap ko.

Umiling lang uli ako. Gusto ko naman kumain. Sa totoo lang ay naakit ako sa mangga na kinakain niya. Ang kaso, wala ako sa mood kumain. Tinatamad ako.

"Siguro may BND ka ngayon?" taka ngunit may ngiti sa labing sabi niya. Kumunot naman ang noo ko sa salitang sinabi niya.

BND?

Eh?

"BND?! Ano na namang pauso 'yan, Gaio?" tanong ko. Hayst ang hilig talaga niya mag-embento ng salita!

"BND! Hindi mo alam? Ito ang dahilan kung bakit ayaw mong kumain ng mangga! Kasi may BND ka! Buwan Ng Dalaw!" proud pang paliwanag niya tapos biglang tumawa siya. Natawa siya sa sarili niya.

Pero hindi ko man lang siya masabayan. Wala sa sariling napatayo ako kaya tumigil siya sa pagtawa at nagtatakang tumingin sa akin.

"Eh?! Galit ka?!" tanong niya na parang bata.

Umiling ako, "hindi." sagot ko.

Nagpaalam na ako sa kaniya na magpapahinga na ako. Sa kwarto ni Chad ako dumeretso dahil naroon ang damit na gusto kong suotin.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Pinikit ko ang mata ko.

Madami kaming trabaho, marami kaming ginagawa, huwag ka ng dumagdag? Okay?

Madami kaming trabaho, marami kaming ginagawa, huwag ka ng dumagdag? Okay?

Madami kaming trabaho, marami kaming ginagawa, huwag ka ng dumagdag? Okay?

Paulit ulit na narinig ko ang mga sinabi ni Dad sa isipan ko. Inis na tumayo ako mula sa pagkakahiha at pilit kong kinalma ang sarili ko.

Busy? Maraming trabaho? Tapos andoon siya sa mall kasama ng tatlong mukong na iyon? Tss. Sabagay, kailan ba siya naging available para sa akin? Hindi kailan man nangyari iyon.

Kahit noon, iyan ang lagi niyang pinapamuka sa akin, na busy siya at marami siyang ginagawa. Dahil lang sa mga karantadohan ko sa school, doon kami nagkikita. Gaya nang nangyari kanina. Tapos iyon na iyon. Hindi ko na uli siya makikita.

Umalis ako sa bahay, oo, dahil sa masamang trato nila sa akin, sila ni Mom at ni Kuya Choppy pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na akong pakialam sa kanila. At sa mga sinasabi at pinaparamdam nila.

Umalis lang ako dahil sawa na ako.

Pero..

Hanggang kailan ba nila ipaparamdam sa akin na hindi nila ako mahal at hindi ako importante sa kanila? Sa bawat oras, minuto o segundo lang na makaharap ko sila iyon kaagad pinaparamdam nila sa akin. Walang palya. Kahit nga hindi sila magsalita eh, tumingin lang ako sa mata nila parang iyon na ang sinasabi nila.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now