CHAPTER SEVENTY EIGTH
(Friends love)Angel's point of view
Umaga ng linggo na ako nagising Isang araw akong tulog.
I'm exhausted!
Oo siguro ang haba ng tulog ko eh.Nasa isang guest room ako ngayon,nabakanti kasi...Kaya kaysa makitulog sa ibang kwarto o sa kwarto ni Chad.Dito nalang ako.Kaya ayun walang istorbo sa tulog ko.
Tumingin ako sa orasan
"6 am?ang late ko naman magising" nakangiting sabi ko at basta ko nalang inipit yung buhok ko at nag tungo sa bathroom at ginawa ang morning routine ko.
Bakit panong late?eh alas sais ng umaga ako nagising?eh nong alas singko na ng umaga na ako natulog nong biyernes pa!
Matatapos ko na yung morning routine ko kaso tinamad ako maligo kaya hindi muna ako maliligo.
Inamoy ko yung sarili ko.
"Hindi pa naman ako mabaho" nakangiting sabi ko at bumaba.Wala pa akong naabotan sa baba.Natutulog pa ang mga yun sinong tamad ba ang gigising ng maaga pag linggo?Wala!
Sa ngayon....Wala akong ibang maramdaman kundi gusto kung kumilos para mawala yung bigat ng pakiramdam ko.Isang araw din akong nakahilata sa kama eh.
Napakamot ako sa magulong buhok ko ng nasa kusina na ako ngayon at nagtitingin na ng mga ingredients para sa iluluto.
Oo magluluto ako.Ewan ko ba!tinamad akong maligo pero sa pagluluto hindi?
Marami akong iluluto ngayon!magbabake nga ako ng cake at gagawa ako ng mga cupcake at magluluto ako ng maraming pagkain.
Trip ko?ahhahaha
Makalipas siguro ng kalahating oras ay nakalahati ko na yung trabaho ko. Inuna ko kasing iniluto yung mga adobo,afritada,at Kari kari...tapos yung mga bacon,ham, scrambled eggs at nag luto pa ako ng sinangang!mm yammy!!!Hinihintay ko nalang na maging okay na yung cake sa oven.
Nakaupo nalang ako ngayon habang inilalagay yung icing sa ibabaw ng cupcakes tapos mamimili ako ng idedesign.Marami akong pagpipilian.Marshmallow, sprinkles at mga chocolate at dinurog na cookies etc.
"Guys!!!guys!!!!" nagugulat pa akong napatingin sa sumigaw na si Gaio pala na nasa pinto ng kusina.
-_-?
"Guysssss dalian niyo!!!" sigaw lang ng sigaw si Gaio pero mukang wala pang gising at nakarinig sa sigaw niya.Kaya yun nagtatakbo takbo siya papalapit sakin kaya napatayo ako at napaatras.
Sinundot niya ako sa pisngi.
"Problema mo?" tanong ko at muling tinuun ang sarili sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcakes.
"Angel?" tawag nito sa pangalan ko.
"Bakit?"
"ANGEL!!??"patanong na sigaw niya sa pangalan ko.
"Bakit nga?"
YOU ARE READING
Wicked Angel (Part One)
Novela Juvenil[COMPLETED] - [UNDER REVISION] ✓ Angel Hell-zl Benavidez Her name say it all. She have an angelic face like her name but not having an angelic attitude.She's good doing bad,so,better to avoid her cause she might show you the hell. She's an Angel wit...