CHAPTER FIFTEEN
(Wearing dress is a torture)Angel's point of view
Nang makauwi kami naabotan namin ni Chad sila Gaio at Justin na naglalaro ng dama.wapakels si Chad na dumeretso sa kwarto niya dala lahat ng pinamili namin
"Sali ako!"sabi ko at tumabi kay Gaio pero lumayo ito sakin at naupo sa kabilang sofa at nakangusong nag cross arm.hayst nagmamaktol hindi na kasi ako nakapagexplain sakanya kanina kasi tumakbo nalang ako bigla ng makarating kami sa parking area sa mall eh kasi nga 30 minutes nga daw eh si Gaio magtatanong sasagutin pero hahaba ang usapan kasi nga may pafollow up question!
"Nagtatampo....kasi iniwan mo daw siya sa ere"natatawang paliwanag ni Justin.natawa nalang ako sa words na ere pero pinagkislop ko yung labi ko dahil seryoso lang si Gaio.
"Sorry na Gaio.."sabi ko at lumapit kay Gaio pero hindi niya ako pinansin at tumingin sa taas..pfft ang bading!! Buti nalang hindi siya yung seryosong nagtatampo kasi ang hirap niya suyuin.
"Oh segeh bago kita patawarin....ikwento mo lahat"sabi ni Gaio kaya natawa ako pero tinignan niya lang ako ng masama kaya napataas ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko.kaya kwenento ko sakanya lahat...every detail!walang labis walang kulang"okay... forgiven"sabi niya sabay ngiti.kaya napangiti ako.
Pinanood ko lang silang naglaro.. hanggang sa manalo si Justin hahahaha kawawang Gaio hindi niya kasi matalo talo si Justin sa laro na yan dapat sakanya magpakamatay nalang..joke.magaling si Justin sa laro na yan ay wala pang nakakatalo sakanya.sabi niya.Sinusubukan ni Gaio na matalo siya pero mukang hindi niya kaya hahaha.
"Sabihin mo kay Carl ako tatabi sayo at sa sofa siya"angal ni Gaio sakin naabotan kasi namin si Carl na naghihilik na sa pagtulog.ang rule kasi naming tatlo lang ni Gaio at Carl pag ako nakitulog sa kwarto nila isa lang ang katabi ko at yung isa sa sofa at bahala sila kung pano nila iyon pag uusapan.kahit na maluwang yung kama kailangan isa lang ang katabi ko eh kasi magulo at maingay sila kung matulog
Nang ang matalo na kasi siya ni Justin sa laro napagdesisyonan na naming matulog dahil malapit na mag labasan ang multo.tsk naka 10 games kaya sila!!yang Gaio kasi na yan ayaw magpatalo.ayan tuloy ang nangyare kaya si Carl ang katabi ko!
"Carl gising!!"halos sumakit pa ang tainga ko sa sigaw ni Gaio at sigurado akong nabulabog din yung iba!! chourr hindi kasi mukang sound prof tong pader.makapal.
Napabalikwas naman ng bangon si Carl at gulat na napatingin samin.binatukan ko naman si Gaio dahil sa ginawa niya!sarap na ng tulog ng tao Ganda na ng panaginip niya tapos gigisingin niya!pero hindi naman nagreact si Carl bagkus kinusot niya yung mata niya at humikab pa..
"Oh? problema niyo?gago Gaio para kang babae kung sumigaw sakit sa tainga"sabi pa niya at kinalukot yung tainga..eh?yun na yung sasabihin niya..kasi kong ako yun sisipain ko sa muka si Gaio o di kaya yung ulo niya isusubsub ko sa semento at kung ano ano pang pwede kong gawin kasi nababadtrip ako pag ginigising..pero hindi naman ako siya.
"Alis ka dyan tutulog kami dyan ni Angel"nakanguso at nakacross arm na sabi niya habang nakataas noo.
"Segeh ako naman sa susunod ah!.."sabi niya at dumeretso sa sofa at natulog!yeah bedsize naman yung sofa kaya comfortable parin siyang higaan.
Nahiga naman ako sa kama at pinikit ang mata naramdaman ko naman na tumabi sakin si Gaio.
"Lalayo ka sakin o sasapakin kita"banta ko habang nakapikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/217769128-288-k724877.jpg)
YOU ARE READING
Wicked Angel (Part One)
Teen Fiction[COMPLETED] - [UNDER REVISION] ✓ Angel Hell-zl Benavidez Her name say it all. She have an angelic face like her name but not having an angelic attitude.She's good doing bad,so,better to avoid her cause she might show you the hell. She's an Angel wit...