The Truth Untold

109 13 7
                                    

Third Person point of view

"Lahat ng suspect, bumabalik sa pinangyarihan ng kremin, Mr. Ayven Depensor," Sabi ng kaibigan ni Ayven Depensor na si Warren Ly. Isa sa mga mahusay na private investigator ng National Agent Company sa ibang bansa si Ayven Depensor at isang mahusay na pulis naman si Warren Ly.

Pitong taon na rin ang nakalipas ang kidnapping incident ni Angel Benavidez, ang pamangkin ni Ayven. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito tinitigilan na imbestigahan dahil interesadong interesado itong si Ayven sa krimen na iyon lalo na't sangkot ang pamangkin niya don.

"Sigurado ka dyan?"

"Oo naman,ako pa?si Warren atah to!" mayabang na sagot ni Warren sa kaibigan niyang napapailing nalang sa asta nito. Hindi rin kasi iyon maitatanggi ni Ayven, magaling na pulis ang kaibigan niya at mas marami na itong karanasan kaysa sakanya na dalawang taon palang simula nong maging investigator siya.

"Oo na,Ikaw na talaga..."

"Tsk,ano? samahan na kita?"

"Segeh ba"

Matapos nilang mag usap at mag ayos ay agad na nagdrive ang dalawa patungo sa lugar kung saan nakulong noon si Angel ng ilang linggo. Agad na namutawi sa puso ni Ayven ang awa sa pamangkin niya dahil kahit hindi nakita ng dalawang mata niya ang nangyari noon ay alam niyang nahirapan non ang pamangkin niya.

Si Angel ay isang espesyal na bata para kay Ayven kaya mahal niya ito at pinapahalagaan. Alam rin kasi ni Ayven ang kalagayan ni Angel at ang nararanasan nito sa pamilya niya. Pero ang hindi lang alam nito ay ang pagiging kabilang ni Angel sa isang gang, dahil nga mahusay si Angel sa pag tatago at pagsisinungaling. Bukod don matagal ding nawala si Ayven sa piling ng kanyang pamangkin at nawala ng matagal dahil sa pag aaral pero dahil don ito na siya ngayon.

"Alam mo pre, naawa na ako agad sa Angel na yun kahit hindi ko pa siya kilala o nakikita, sa lugar kasi na gaya nito...mukang natruma yun"sambit ni Warren. Tama siya don, dahil gabi gabi itong nananaginip at binabangotngot tungkol sa nakaraan niya. Hindi nito minsan pinapatulog si Angel.

"Tama ka, masayahing bata yun pero sa nababalitaan ko ngayon tungkol sakanya, malaki na ang pagbabago niya. This shit make her change a lot"Nang makabalik kasi rito sa Pilipinas si Ayven ay hindi niya pinaalam sa kahit na kanino dahil kahit na malaman ng mga ito na nakabalik na siya,iiwan din lang niya agad ang mga ito dahil sa trabaho niya. Ang plano niya ay magpakita sa mga ito pag natapos niya na ang trabaho niya.

"Ven! Tara don" aya ni Warren kay Ayven na pumunta sa masukal na bahagi ng lugar at pumasok sa mapunong bahagi. Ito yung lugar sa panaginip ni Angel, na hinahabol siya ng mga kidnappers. Masukal, madilim, nakakatakot. Hindi mo maintindihan ang nararamdaman nong oras na yun ni Angel hangga't hindi mo iyon nararanasan, bata pa siya nang maranasan niya ang nakakatakot na pangyayaring iyon sa buhay niya. Na naghubog kung sino man ang Angel na nakilala niyo."Alam mo Ven, Hindi ko talaga maintindihan sa tagal na panahon ng nangyari yung krimen eh iniimbestigahan mo pa hanggang ngayon, Baka nga wala ka ng mahanap na ebidensya eh"

"Kaya nga ako nag aral ng criminology para magawa ko to, at ngayon nag sisimula na ako. I don't care kong matagal man ang pag hahanap ko ng evidence but i will do my best. I want a justice for my niece" pagpapaliwanag ni Ayven kay Warren na nililibot ang paningin sa paligid.

Oo, nakatakas si Angel sakanila pero hindi nakatakas ang pangyayaring iyon sa puso niya...natatakot, natruma at nagalit siya lalo na ng ginamit ng magulang niya ang pag kakataon noon na lumabas sa TV upang magpasikat lang. Nag tanim siya ng galit sa magulang niya dahil don at mas lalong lumaki ang galit niya sa magulang niya ng ipinatigil nila ang imbestigasyon sa mga nandukot sakanya sa kadahilanang tapos na daw iyon at ligtas naman siya. Nakakatawa, Sabi niya sa sarili niya, may oras din na nagtatanong nalang siya sa kawalan kung mahal ba talaga siya ng magulang niya, kasi yung ransom na hinihingi nila, maliit lang na halaga non hindi nila binigay eh. Nakaligtas? natatawang tanong niya non sa sarili niya. Hindi siya nakaligtas! Hindi siya nakawala kasi pakiramdam niya non nakakulong pa rin siya sa madilim at nakakatakot na lugar na iyon. Galit at puot ang namuo sa puso niya kaya nagawa niya lahat ng bagay na nagawa niya na ngayon. She's a Bad Guy.

"Para lang ba talaga toh sa pamangkin mo?"maya maya ay tanong ni Warren sa kaibigan at don natigilan si Ayven.Ang totoo kasi niyan ay para sa dalawang tao ang ginagawa niyang ito ngunit hindi niya iyon maaaring sabihin sa kaibigan niya dahil alam naman nito ang ugali niya,masyado itong madaldal at siguro siyang hindi niya na ito tatantanan sa pagtatanong.

Habang abala ang dalawa sa paglalakad habang nag uusap sa kabilang dako naroon ang isang kotse na tumigil sa gilid kalsada at lumabas don ang isang lalaki...nakasuot ito ng mamahaling americano pero walang arte itong umapak sa lupa at naglakad sa madumi at masukal na gubat.

Papalapit siya ng papalapit sa gawi ng dalawang magkaibigan hanggang sa mapansin nila ito.

"May tao!"agad na tumakbo si Ayven sa lalaking nakasout ng americano pero mabilis din itong tumakbo paalis don dahilan para hindi maabotan ni Ayven yung lalaki na mabilis na tumakbo pabalik sa kotse niya at mabilis na pinaandar yun paalis.But the good thing is nakuha niya ang plate number ng kotse.

"Sino naman kaya yun?"tanong ni Warren na nasa tabi niya na.

"Hindi ko rin alam, pero sabi mo nga lahat ng suspect bumabalik sa pinangyarihan ng krimen"

"So,do you think na yung yayamanin na lalaking yun may kinalaman sa kaso?"

"Yeah"

"why?"

"why not?"

"Sabagay tama ka, pero ang tanong nakilala mo ba kung sino iyon?"

"Hindi, pero 528Fc ang plate number niya"nakangising sabi ni Ayven sa kaibigan niya na naipailing nalang, dahil sa tingin palang ni Ayven sa kaibigan niya alam na agad nito na pupunta sila ngayon sa station at aalamin kung kanino naka register yung plate number na iyon.

Tama nga ang hinala ni Warren sa mga tingin sakanya ni Ayven narito na sila ngayon sa police station at sinabing naka-hit-in-run yung may ari ng kotse na yun ng isang aso ng mayamang pamilya naniwala naman agad ang police don at agad na hinanap kung sino ang may ari at nang lumabas na ang resulta.

"Lemzar Shedromedae Salcedo Vanlazar?"sabay pang basa ni Ayven at Warren sa pangalan ng may ari ng kotse saka sila nagkatinginan.Si Lemza Shedromedae Salcedo Vanlazar ay isang kilalang business man sa buong Pilipinas dahil sa kabutihan na taglay nito at dahil sa sila ang pinaka mayamang pamilya sa buong Pilipinas.Pagmamay ari ng Salcedo ang pinakasuccessfull at pinaka makalaking company dito sa Pilipinas.

Anong kinalaman niya sa kremin?

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now