Chapter 05 : Anger
I yawn. I think I'm going to die. Cause of death, boredom.
Inaantok ako, nabuburyo ako at naiirita rin. Nakakasar na kasi sila. Ang over acting nila! This time, mas nakabantay na sila sa akin, hindi ko na rin kakampi si Gaio sa mga kalokohan ko kasi isa na siya sa mas pinaka magbabantay sa akin. Mukang napulot na nito ang aral niya dahil natikman na niya ang galit ni Chad.
Kahit may klase, kung lilingon ako sa labas ng classroom, kung hindi si Cole ang makikita ko ay si Justin, kung hindi naman si Shadow ay si Carl. Nakakairita na. Mga wala bang klase ang mga 'yon?
Nitong mga nakaraang araw ay hindi na sila nawala sa paningin ko o mas tamang sabihin ko na hindi na nila ako hinayaang mawala sa paningin nila. Hindi raw ako pwedeng mapahamak. I know, I should be thankful and overwhelmed because they're protecting me, that's mean they care for me but no.. I hate their reason why they doing it.
Baka raw kapag namatay ako wala ng magprepretend na girlfriend ni Chad.
See? Sinong magiging thankful sa ganoong dahilan? Ako kasi hindi ako natutuwa. Mas okay pa na mamatay na lang ako.
"Okay class, dismiss!" iyon na lang ang narinig ko sa buong klase kaya napabuntong hininga ako.
Inayos ko na 'yong gamit ko. Wala si Gaio. Yes! Siguro naman ay matatakasan ko siya.
Dali dali akong lumabas ng room pero napatigil din ng nakangising nakatingin sa akin si Gaio. Nang aasar ang tingin niyang 'yon at parang sinsabi niya na hindi ako makakatakas sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong niya at nakapameywang sa harap ko.
"Diyan lang. And don't worry, Gaio, I'm not going to play hide and seek with you. Hindi ako tatakas. Okay?" sabi ko at nilagpasan siya. Narinig ko naman ang pagtawa niya na siyang nakapagpabanas sa akin. Syempre alam niyang hindi ako sinsero sa sinabi ko... na hindi naman talaga.
"Ako pa niloko mo, Angel? E, alam ko takbo ng utak mo! Hindi mo ako matatakasan. Hindi mo matatakasan ang isang Gaio, Angel," mayabang na aniya na siyang kinangisi ko.
Tignan na lang natin.
Pero ang ngisi ko ay naalis sa aking labi nang makita ko ang iba naming kasamahan sa paligid.
Nang makita ni Gaio ang reaksyon ko ay tumawa siya na parang sayang saya. Hindi ko na lang siya pinansin at napairap sa hangin. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan kong makatakas. Kahit ngayon lang gusto ko kasing maglakad lakad ng mag isa, gusto kong magkapag isip isip at kung makakatakas ako ngayon hindi ko na uulitin sa susunod. Kahit ngayon lang.
"Tapos pagkatapos noon ay naging official member na ako sa group." nagmamalaking sabi ni Gaio.
Tumango na lang. Kwenento niya sa akin ang dahilan kung paano siya nasali sa grupo. Marami siyang sinabi pero ang pinagtuunan ko lang ng pansin nang sinabi niya na magkakaibigan talaga sila bago pa may nabuong grupo. Napatango ako sa bagong impormasyon na 'yon.
"Ano 'yon?" tanong ko makalipas ang ilang minuto sabay turo sa kung saan pero nakangisi niya lang akong tinaasan ng kilay. Mukang alam niya ang takteka ko.
"Hayaan mo 'yon." sabi niya lang.
"Gaio, sila Justin ba 'yon? Mukang pinagkakaguluhan sila ng mga chicks." tanong ko at tinuro sa gawi ng mga nagkukumpulang babae.
"Weh? Chicks?" kuryusong sabi niya sabay lingon sa tinuro ko. Tumayo pa siya at talagang lumayo ng kaunti sa akin.
Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin niya dahil tumakbo na ako. Natawa ako. Chicks lang pala katapat ni Gaio!
YOU ARE READING
Wicked Angel (Part One)
Fiksi Remaja[COMPLETED] - [UNDER REVISION] ✓ Angel Hell-zl Benavidez Her name say it all. She have an angelic face like her name but not having an angelic attitude.She's good doing bad,so,better to avoid her cause she might show you the hell. She's an Angel wit...