Chapter 9

956 40 1
                                    

Napaismid ako nang marinig na naman ang pagtunog ng phone ko.

Drago Legaspi calling...

Hindi ko na mabilang kung pang-ilan niya nang tawag iyan mula noong di ko siya ni-reply-an kagabi. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa naging missed call.

I continued applying powder. Inayos ko rin ang pagkaka-bun ng buhok ko. Ilang minuto pa ay tumunog na naman iyon. Ugh. Kainis! Ano na naman bang problema nito?

Inis na sinagot ko iyon.

"What is it? Ba't ka ba tawag nang tawag?" inis na bungad ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Hey, I'm really sorry about yesterday.... I still wanna date you, you know." Sandali akong natigilan at nagtaas ng kilay.

Napasandal pa ako sa likod ng aking inuupuan.

"Iyan lang tinawag mo?" tanong ko. He sighed again.

"Yeah." Napangiti ako at napailing.

"Okay, whatever, Drago. Gosh. Ang drama mo."

"Tsk. I just don't want you to back out, you know." Natawa ako.

"Yeah. Yeah, mister." I heard him sigh again. Nabunutan yata ng tinik. Tss.

"I'll fetch you, aight?"

"You can't. Sasabay ako kay Naga. I always go with him pag papuntang school." He groaned.

"Fine." Bumuntong-hininga ako.

"Uhh let's just talk about this later?"

"Yeah, I'm cool with it. Saan tayo magkikita?"

"Uhm mamaya pa dismissal ko so sa parking na."

"Tss. Tagal." Umirap ako.

"Bakit ba? Nagmamadali ka?"

"Basta. I wanna take you out." Agad na nangunot ang noo ko.

"Woah. Slowly mister," I told him.

"Tsa. Come on ang KJ." Ugh whatever! Umirap ulit ako at saka tumingin sa wristwatch ko.

"Basta see you later. I need to go."

"Yeah, babe." Tss. Napailing na lang ako at binabaan na siya.

Nagmamadaling tumayo ako at bumaba na.

"Ba't ang tagal mo?!" bungad ng kambal ko. Umirap lang ako at kumuha ng sandwich at ziplock.

Tss. So grumpy.

"I'm done, let's go!" sabi ko. Inismiran ako ng loko at nauna pang maglakad sa akin.

Umirap na naman ako. Whatever.

~***~

I thought I would be relax today since most of my subjects gave put quizzes last meeting, meaning lectures na lang kami. Mas okay na sana iyon. Mas okay sana iyo at nang medyo makapagpahinga utak namin di ba? Di bale na ang kamay.

Kaya lang ang hassle kasi sa halip na mag-lecture, requirements for midterms ang ibinigay nila. What the heck?!

Ugh!

Bwisit kong inilista ang mga kailangan kong gawin sa subject na iyon.

Ang daming requirements. Kainis.

Noong second subject ko, ganoon pa rin. Nag-lecture lang ng kaunti and then back to giving requirements again. Tss.

"Wayve, mag-uusap usap kami for our output." I heard my blockmate said. I just nodded and continue writing.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon