Chapter 21

817 25 2
                                    

Sunday morning.

Hindi ko alam kung bakit sobrang aga kong nagising. I mean, alas sais pa lang dilat na dilat na ang mata ko. Well, hindi pa ako bumabangon. Nakatingala lang ako sa kisame.

Bumuntong hininga ako at chineck ulit ang phone ko. There's none.

Bumuga ulit ako ng hininga saka binalik iyon sa bedside table. Rumolyo ulit ako sa kama at niyakap ang malaki kong unan.

Hindi ko alam kung bakit ako hindi mapakali. Kanina pa to actually. Noong pagkadilat ko talaga ng mga mata ko, phone ko agad tiningnan ko.

I groaned in frustration.

Fine. I was expecting for something...I mean someone. Tss.

Parang ang unusual kasi na hindi siya tumatawag or nagti-text, especially that he invited me today.

Humigpit ang yakap ko sa aking unan at saka umirap. Ugh whatever.

So, ano naman ngayon kung hindi siya nagti-text o tumatawag? Gosh, Wayven!

Inis kong ibinaon ang mukha ko sa unan at saka doon nagsisigaw. Damn it.

Sa sobrang frustration na hindi ko maintindihan kung bakit at dahil hindi na rin naman ako makatulog ay bumangon na lang ako. Dumiretso ako ako sa banyo at naghilamos. After that, lumabas na rin ako ng kwarto.

Naabutan ko si mama na naghahanda ng breakfast pagkababa ko.

"Morning, ma," I greeted and kissed her cheek.

"Good morning, hija."

Umupo ako sa pwesto ko. Si papa nandoon na rin sa dulo at nagbabasa ng newspaper.

"Wayven, nasaan na mga kapatid mo?" I heard him asked. Nakatingin pa rin siya sa newspaper.

"I don't know pa. Baka tulog pa." I shrugged.

"May lakad ka ba ngayon?" Sandali akong natigilan at napakagat ng labi.

"Uhm I might later. Why pa?"

"Nothing. It's Sunday, hija. Family day." Ngumuso ako. It has been a rule in the family na dapat pag Sunday dito lang kami sa bahay, well that's if wala naman talagang importanteng lalakarin.

Noong mga bata pa kami, nasusunod naman iyon, pero noong nag-college at naging busy na rin ay halos araw araw yata kaming umaalis.

I sighed and just waited for my other siblings. Maya-maya pa ay bumaba na rin naman sila.

"Where is Naga?" tanong ni papa nang makompleto kaming mga babae.

Nagkibit-balikat ako at tiningnan ang iba kong kapatid.

"Baka umalis na naman pa." Si Mina.

"Oo nga, pansin ko kay kuya the past few days," dagdag naman ni Merian.

Ewan ko rin sa kambal kong iyan. Dati naman nagkikita kita pa kami dito. Kung gagala man siya, it's either with the varsity team or with us. But this school year parang mas naging busy siya. I don't know if dahil nagsimula na siyang ma-involve sa farm namin or what.

"Hayaan niyo na iyon. Tatawagan ko na lang mamaya. Let's eat," Mama said. Bumuntong-hininga ako at kumain na rin.

"Daisy, I heard you're pursuing your modeling at Del Castillo Magazine. Hindi ba makakasagabal yan sa pag-aaral mo?" panimula ni papa. It's his usual pangungumusta sa amin. Pag nagkakasama sama kaming kumain ganyan lagi ang scene.

My sister shrugged.

"I can manage, pa. Plus, Tita Karen gave me a flexible sched. And also, on call naman ako. For certain subjects lang so there's really no need to worry." Bumuntong-hininga na lang si papa at tumango.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon