Sky wanted us to be alone, so instead of having their driver drive for us, nag-tricycle kami papuntang bayan. Nakakapagtaka nga kasi parang sanay na sanay na siya. I mean, kagaya ko kasi siya na hindi naman talaga fan ng province or bukidkaya nagtataka ako kung bakit parang alam na niya ang pasikot sikot dito.
Well, baka naman naglalagi na siya rito pagkatapos ng mga nangyari?
Bumuntong-hininga ako at napatingin sa kanya na nasa labas lang ang atensyon. I suddenly wondered kung ano bang nangyari sa kanya, kung nag fourth year siya? Saan?
After what happened, I have been so focused with what's happening with me and my family. Wala na rin akong balita sa kanya. Guess, this is a perfect timing for us to catch up.
After 10 minutes, I think, we finally arrived in the center of Jagbuaya.
Parang palengke iyong pinaghintuan namin. Bale iyong parking lot ng mga tricycle at motor cycle ay nasa tabi lang ng palengke nila.
Hinila agad ako ni Sky pagkababa namin ng tricycle.
"Saan tayo?" tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng mga tindang mga gulay. Nilingon niya lang ako at nginitian.
"Basta. Kain muna tayo. Gutom na ako, e." Napairap ako.
"Welk you never change. Palagi ka pa ring gutom," asar ko. Tinawanan niya lang ako. Napailing ako at saka umangkla sa braso niya.
We settled sa isang lugawan na nasa malapit sa dagat. I mean iyong likod kasi ng tindahan iyong dagat na. Kitang kita rin dito iyong daungan.
Para siyang maliit na pier actually, pero sabi naman ni Sky wala rawng biyahe rito. Parang noong unang panahon lang meron tas ngayon, ni preserve na lang iyong pier like na structure at ginawang tourist spot. May mga decorations at flaglets kasi akong natatanaw at medyo maraming tao roon.
Umupo kami sa pandalawahang upuan na malapit sa sea view. Ang lamig lamig at ang refreshing ng hangin. Si Sky ang nag- order para sa akin.
Aruzcaldo ang in-order niya. I must say, mukha talaga siyang masarap. Amoy pa lang kasi nalalanghap mo na.
"Try it, Wayve. Super sarap!" sabi pa ni Sky at agad na sumubo. Natawa ako at nailing.
Sumubo ako at tama nga siya. Its really good. Like real good.
"Hmm masarap nga ha. Parang pwede kong kainin to everyday," natatawang sabi ko.
Tumango tango lang si Sky. Punong puno ang bibig ng loka. Hindi ko alam kung paano niya na -store iyong lugaw doon. Di siya naiinitan?
Napailing na lang ako.
Sobrang gutom yata ng bruha at panay lang ang kain niya hanggang sa maubos na niya ang first serving niya. First serving dahil nag-order pa ng pangalawa ang loka.
Bumuntong-hininga ako at sumubo ulit.
"How are you?" tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at saka ngumiti.
"I'm fine, I guess." She shrugged. Marahan akong tumango at tumigil sa pagkain.
"Where did you go, Sky? I mean...you left too...just like Naga..."
Nakagat ko ang aking labi. Nagkatitigan kami sandali bago siya tipid na ngumiti.
"I transferred here." Umawang ang bibig ko at tuluyan nang napabitiw sa hawak kong kutsara.
"What? You mean dito ka nagtapos?"
"Hmm. Yeah doon sa state u na nadaanan natin."
Hindi makapaniwalang napasandal ako sa likod ng monoblock. Kunot noong tiningnan ko siya. "Why?"
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...