What Naga said didn't left my head. Sobrang daming pumapasok sa isip ko. Iyong plano kong mag-move on bigla na lang lumabo. So many what ifs are coming. A ton of realization hit me. Is saving myself for a possible heartbreak a cowardice? But how sure am I that it is indeed a possible heartbreak again?
I've been with Drago for more than a month. I've got to know him deeper as a person, not just the playboy Drago at school. I felt genuine feelings. Nabahiran lang naman iyon nang malaman ko ang naging agenda niya noong una pa lang.
Once I turn him down and finally move on with my life like how I really planned, he might become my what if. My feelings are clear. I love him, still, it's just that I am hurt and...scared. Should I continue to protect my self or should I risk?
Napatanga ako sa bintana ng aking kwarto. Mamayang hapon, uuwi na kami. Pagkabalik ko ng Manila, magiging busy na ako. Med school is coming. For sure siya rin. He might even stay here for good. I mean agriculture naman talaga ang field niya. He's an AgriBiz student. That means we won't see each other anymore. Siguro pag may events na lang pero baka hindi rin. For sure mag-iiwasan lang din kami.
Nakagat ko ang aking labi. Iniisip ko pa lang parang may kumukurot na sa dibdib ko. Bumuntong-hininga ako at saka lumapit sa aking bintana. Kitang kita mular rito ang mansyon ng mga Legaspi sa tapat. I looked around, trying to find him. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa labas ng kanilang gate may kausap na babae.
Hindi ko marinig pero it seems that they're happy. I mean the girl was smiling from ear to ear and Drago was smiling too. Sandali akong napatitig sa kanila bago nag-iwas ng tingin.
Damn, Wayven.
This is long overdue. I need to fucking decide to finally move forward. Pero ano nga ba?
Should I risk? Or run away again?
"Life is about making risks."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga bago dumilat at mabilis na naglakad palabas ng kwarto.
Hindi ko alam pero habang pababa ako ay pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. Shit.
"Where are you going?"
"The hell! Naga!" Agad akong napatigil at napakapit sa hawakan ng hagdan namin nang biglang sumulpot sa harapan ko si Naga. Muntik ko na siyan bigwasan sa sobrang gulat.
I didn't even notice that he's going upstairs! Or was I too pre occupied? Ugh!
"Tss. Saan ka ba kasi pupunta?" Kinunutan niya ako ng noo. Umirap ako.
"Sa labas," sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Tss." Naiiling na nilagpasan niya ako. Sinundan ko naman siya ng tingin. Bumuntong-hininga ako.
"Naga," tawag ko sa kanya. Lumingon sita sa akin.
"What?"
Muli akong bumuntong-hininga. Kinagat ko ang aking labi at humakbang papunta sa kanya. Huminga ako nang malalim.
"You said I should follow my heart..." I began. Sandali siyang napatitig bago bumuntong-hininga.
Bumaba siya ng isang baitang at inakbayan ako. Magkasunod na kami ng tinatayuan ngayon. Nakaakbay siya sa akin habang nakahilig kami sa hawakan ng hagdan.
"I just want you to be happy, sis."
"Di ka na magagalit?" Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. Pinaningkitan niya naman ako.
"Basta totoong mahal ka niya, wala akong problema. Let him prove himself first though. Wag basta bastang susulong," seryosong sabi niya. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...