Chapter 28

869 24 0
                                    

"Hey morning." 

Nagising ako nang may naramdaman akong humalik sa aking labi.

Kinusot-kusot ko ang mga mata para maka-adjust sa sinag ng araw. Nang naka-adjust na ay bahagya akong sumandal sa headboard.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Drago. Mukhang tapos na siyang maligo dahil fresh na fresh ang mukha niya at amoy na amoy ko pa ang bodywash na ginamit niya. 

Ipinikit ko ang mga mata tsaka niyakap ang unang nasa tabi. 

"Hey babe, mali-late na tayo," sambit pa niya at tumabi na sa akin. 

Napanguso ako. I suddenly felt his arms around my waist. Sinisinghot niya ang buhok ko. Agad ko naman siyang tinampal. 

"Wala pa akong ligo!" 

"So? You smell good," aniya at muling sininghot ang buhok ko. Agad akong umilag at umalis ng kama. 

Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa may dingding ng bathroom tsaka pumasok doon. 

"Maliligo na ako," sigaw ko pagkapasok. Narinig ko naman ang pagkilos ni Drago sa labas. 

"I'll have our food delivered here." Dinig kong sabi niya. Hindi na lang ako sumagot at dumiretso na sa shower. 

Mahigit thirty minutes yata akong naligo. Dagdagan pa ng twenty minutes para sa pagbibihis at pag-aayos.

I ended up wearing a maong shorts and a cover up. May bikini na sa loob noon. Island hopping ang schedule namin ngayon kaya tama lang ang suot ko. May tatlong maliliit na isla kasing nakapalibot sa resort at 'yon daw ang pupuntahan namin. Nag tsinelas lang din ako plus isang sunglass. 

Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo at nagtungo ng mini sala. Naabutan ko si Drago na nakaupo sa couch. Nasa center table na rin ang in-order naming breakfast. Tumabi ako sa kanya at kinalabit sita. Agad naman siyang napabaling sa akin sabay baba ng binabasang magazine. 

"C'mon let's eat. We've got a long day ahead." 

Napanguso ako. Tama, mukhang mapapagod nga kami ngayong araw. Sabagay, hanggang hapon lang din naman kami kasi ang gabi ay cuddle time daw.

Napairap na lang ako sa ka clingy-han niya. He's making me fall for him even more. No wonder maraming babae ang umuuwing luhaan dito, pa- fall at paasa kasi. I wonder kung ganito din kaya siya sa mga naka-fling niya noon. 

Napailing na lang ako at ibinaling ang tingin sa mga pagkain sa harap. 

Nadidistract ka na naman Wayven. Gusto mo talagang lumubog sa ilalim? That feeling is already scary. Wag mo nang hayaang mas lumalim pa 'yan! You might not be able to get up! 

Napabuga ako ng hininga. I could already hear Ate Nia scolding me dahil sa nangyayari sa akin. I fell on his trap. I admit that, but I will never admit that to him. Mas masasaktan lang ako pag nagsawa na siya. 

Why did I even entered this complicated life? Kung hindi ko ba naman in-involve ang sarili ko sa lalaking ito, malamang steady lang ako ngayon. But then... 

Bumuntong-hininga ako. 

Nandito na, hindi ko na mababawi pa. All I needed to do is to prevent myself from falling deeper and harder. That should be easy... or maybe not at all. 

~***~ 

"First destination po natin ang first manmade island ng resort. Pinasadya po ito para ma experience ng mga turista ang iilan sa mga island destinations ng bansa na wala rito. It's like bringing those island here in one place. This first island is the Virgin Island inspired from Bantayan island of Cebu." 

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon