Chapter 30

955 28 0
                                    

Ayaw namin ma-traffic at maabutan ng dagsa ng mga enrollees kaya maaga kaming nagpunta ng school. Sinundo lang kami ni Helios tapos 'yong iba sa school na namin kikitain. 

Napasandal ako sa likod ng upuan. I felt Ate Nia's stare. 

"Parang ang tamlay mo," sabi niya. I lazily looked at her. 

"I'm still sleepy,"palusot ko kahit na alam ko naman kung bakit wala akong gana. 

I just don't want to accept it. Ipinikit ko ang aking mga mata, kunwaring natutulog. Naramdaman ko na lang na nakahinto na kami. I opened my eyes and saw that we were already at the University parking. 

I sighed and went out of the car. 

Dumiretso kami sa registrar. Thankfully, wala pang mga tao kaya mabilis lang din kaming natapos. 

Nag-uusap na sina Airen kung saan pupunta after pero di na ako sumali. I was really not in the mood for anything. Gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kwarto. Gahd I hate this feeling. 

"Wayve, tara. KTV tayo! Pag start ng classes kanya kanya na naman tayo cause of our sched," Airen said. 

Nagkibit-balikat ako at tumingin kay Ate Nia na busy sa cellphone niya. Si Mina naman ay kausap na sina Rose, so I bet sasama siya. Kung hindi sasama si Ate, di na rin ako sasama. 

"Nia, ano?" Si Ced. Doon lumingon si Ate. 

"I can't. Still have so many things to do," sagot ni Ate. Airen pouted. 

"Sayang naman! Tayo na lang Wayve!" 

"Uhm I think sasama ako kay Ate. I...I'm not really in the mood. Inaantok pa ako, e," dahilan ko na lang. 

I saw Ate Nia raising her brow and Helios staring. Bumuntong-hininga ako at tipid na ngumiti. I diverted my gaze and turned to Ate Nia.

"Sama ako sa student council, ate," sabi ko kay ate at hindi na nilingon sina Rose. 

"Sige, we'll go ahead. Mina, sabay ka na lang kina Helios." 

Nagpaalam na kami ni Ate Nia bago nagtungo sa SC room. 

Dahil wala namang klase ay si Ate Nia lang ang nandoon at iyong secretary niya. They went inside her office habang ako naman ay nagpunta ng conference room nila. Doon na lang ako matutulog. 

Eksaktong naabutan ko ang treasurer doon. 

"Hi, pwedeng matulog dito?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango. 

Pumwesto ako sa isang swivel chair at sumubsob sa mesa nila. Mas mabuti pang matulog at nang hindi ako mag-isip ng kung ano ano. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta naalimpungatan na lang ako sa ingay ng mga tao sa labas. I stretched my arms. Since glass wall naman ang conference room ay kitang-kita ko kung anong nangyayari sa labas. 

Bakit ang daming lalaki? 

Kunot-noong tumayo ako at lumabas ng conference room. They were huddling outside Ate Nia's office. 

Sino ba itong mga ito?

Lalapit na sana ako nang biglang lumingon ang isa. 

My mouth parted when our eyes met. He was looking at me seriously. Hindi na iyong usual smirking look niya sa tuwing nakikita ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit. I swallowed the lump in my throat. He was already so close to me when he stopped. 

"You really think you can push me away?" mariing tanong niya. Napaatras ako.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon