Chapter 8

959 41 0
                                    

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kotse ni Naga pagkalabas ko.

"Hey, slow down!" sigaw niya pa na inirapan ko lang. Humikab ako at kinuha ang ziplock na may lamang sandwich sa aking bag.

I took a bite and started walking towards our building.

I groaned in frustration.

Nakakainis! Antok na antok ako! Ugh!

Pabigat nang pabigat ang lakad ko habang papunta ng Med building.

"Hey, babe."

"What the!"

Muntik na akong matalisod sa nilalakaran ko nang may biglang sumabay sa aking paglalakad. Agad kong sinamaan ng tingin si Legaspi at saka lumingon sa paligid.

"The hell are you doing here?! I told you not to go near me when we're at school!" mariing bulong ko sa kanya habang alerto pa rin ang mga mata kung may nakatingin ba sa amin.

Why the hell not?! Malapit ka lang ng isang segundo sa isang ito, magsusulputan na abg maraming articles sa gossip site. Like what the hell?!

"Uhh. Answers?" Kunot noong tumigil ako at nilingon siya. Hawak hawak ko pa rin ang sandwich ko na isang beses ko pa lang nakakagatan!

"Anong answers?" I fired back. He shrugged.

"Uhmm about what we talked yesterday?" sabi niya pa. Hindi ko alam kung dahil sa kaantukan kaya ang bagal ng register sa utak ko.

Umirap ako nang ma-gets ang tanong niya. At talagang ngayon na siya manghihingi no?

"Ugh pinag-iisipan nga di ba? Tsaka kahapon lang tayo nag-usap!" Inis na napapadyak ako at nagsimulang maglakad ulit. Sumunod naman siya.

"Hmm okay. I'll tail you while you think."

Nanlaki ang mga mata ko at muli na namang napahinto.

"What the heck?!" bulyaw ko at marahas siyang nilingon.

"What?" He shrugged. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.

"Come on!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero kinunutan niya naman ako ng noo. Magsasalita pa sana ako nang biglang may mahagip ang aking paningin.

My eyes widened when I saw Rose heading towards our direction. Oh fudge

"We'll talk later!" mabilis kong sabi at agad na tumalikod at naglakad.

"Saan?" I stomoed my feet. Oh my gosh!

"Sa park!" sigaw mo at saka tumakbo paalis. 

Hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako sa classroom naman na nasa fifth floor. Bwisit! Lukot na lukot na iyong sandwich ko!

Napahawak ako sa may pinto at saka naghabol ng hininga. The hell.

Phew! Muntikan na iyon!

"Okay ka lang Wayve?" Muntikan pa akong mapatalon nang marinig iyon. Ugh! What's with people at bakit sila pasulpot sulpot?!

"I'm fine," sagot ko na lang habang kinakalma pa rin ang aking sarili.

Ramdam ko ang weird na pagtingin niya tapos ay nilagpasan na rin ako. Nang kumalma ako ay pumasok na rin ako. I sat on my usual spot and opened my book to start reading.

Kinain ko na rin ang sandwich ko nang biglang dumating ang prof namin. Bigla akong kinabahan nang makitang may dala siyang mga test papers at wala siyang dalang libro.

The fudge?

Nalaglag ang panga ko nang ibagsak ni Prof. Gumario ang mga test papers.

"Get a whole sheet of paper. Beadle, distribute the papers. Agad na tumayo ang beadle namin.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon