Chapter 15

884 36 0
                                    

It was a good thing na nasa kani-kanilang mga kwarto na ang pamilya ko noong dumating ako kagabi. Hindi na rin kami nag- abot ni papa ngayong umaga kasi maaga siyang umalis.

Noong tinext ko naman si Drago kagabi tungkol doon, sabi niya wag ko raw problemahin dahil siya na raw bahala. I don't exactly know what he meant by that, but I didn't ask na rin naman.

Kinabukasan, usual routine pa rin naman ako. Iyon nga lang walang Drago na sumusundo sa akin.

Nakakapanibago rin actually. Nothing much happened in school. I just attended some lectures and finalized some of my requirements. Mag-isa lang din akong nag-lunch. Nakakapanibago talaga.

Kahit na nagti-text naman kami, it's still odd that we're not together.

Gosh, Wayven. What is happening with you?! Ugh.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nagpakuha na lang din ako kay manong noong kinahapunan. It was really boring, I didn't even know why. Gosh.

Evening came.

"Wayven, kakain na maya maya lang." Dinig kong sabi ni manang na nakadungaw sa pinto ko. Tumango lang ako at tinapos ang pagsusuklay ko.

I'm already fixed up for bed. Nakaligo na ako at lahat. Hinihintay ko na lang na kumain kami.

Tumayo na ako at lumabas na. I was on my way down when a text from Drago came.

From: Drago Legaspi
Hey, babe. How's your day?

Ngumuso ako at nag-type ng reply habang pababa.

To: Drago Legaspi
It's fine. Just odd hahaha

From: Drago Legaspi
Why?

To: Drago Legaspi
Idk hahaha nasanay siguro akong magkasama tayo

From: Drago Legaspi
So you miss me, huh?

Agad na tumaas ang kilay ko.

To: Drago Legaspi
Dream on tss.

Umirap ako at sumalampak sa couch. Nandoon din sina Merian at Daisy na may kani- kanilang mga mundo. I glanced at my phone again.

From: Drago Legaspi
Can we talk?

Kumunot ang noo ko.

To: Drago Legaspi
We are talking through text.

From: Drago Legaspi
Nah, I wanna hear your voice.

Umirap ako.

To: Drago Legaspi
Wait, I'll call you.

Tiningnan ko ang mga kapatid kong busy pa rin naman. Tiningnan ko rin ang kusina kung may tao ba, pero nandoon sina manang. Si mama naman ay nasa dining. No choice tuloy ako kundi tumayo.

Wala naman sigurong tao sa garden.

Palabas ako nang may napansin akong kotseng kaaalis lang sa labas. Kinakawayan pa iyon ni ate. Nagkasalubong kami nang pumasok na siya.

"O, saan ka pupunta?" bungad niya. Nagkibit-balikat ako.

"May tatawagan lang." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Iyong tinatago mo?" diretsa niyang tanong.

I rolled my eyes. We already talked about it.

"Basta. Di nga kita tinanong sinong naghatid sa'yo," balik ko pa. Siya naman ang umirap

"Si Gideon," she answered her. Agad na naningkit ang mga mata ko.

"Serious?" She nodded. I let out a laugh.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon