Chapter 26

849 27 0
                                    

Nasa student's lounge kami ni Skyress at gumagawa ng reports namin. It was quarter to one at vacant namin pareho. Himala nga at parang nag-tone down ang ginagawa namin ngayon. Although may mga bulk requirements na naman na nakahanda ang mga profs namin for finals.

Bumuntong-hininga ako. Kami kami lang din ni Sky ang nagkakasama the past few days. Di ko rin alam kung bakit panay na ang dikit niya sa akin kahit hindi naman kami masyadong sabay ng sched. When I asked her about it, sabi niya gusto niya lang daw akong damayan.

Yeah, right. Cause Airen is still not talking to me. At putok pa rin ang balitang kami ni Drago. They didn't label us basta I am linked to him and that's it.

I could still feel the daggers of the girls in campus. Hindi ko alam kung sila iyong mga naging flings, crush or mga fans niya. I don't care though. Mas may care ako sa cold treatment ni Airen.

Hindi rin naman kami nagkikita kita palagi pero sa tuwing magkikita kami, umiiwas siya at hindi ako kinakausap. This is drivinf me crazy actually. Dumagdag pa sa mga subjects ko.

Ito iyong ayaw ko, e. I knew it would be like this kaya rin ako natakot na sabihin.

"Wayve, samahan mo naman ako sa cafeteria. Gutom na gutom na ako." Nilingon ko si Sky na nakanguso. Tinawanan ko siya.

"Ang pa-cute mo ha. Di bagay," asar ko. Sinamaan niya naman alo ng tingin pero tinawanan ko lang ulit. 

"Whatever! Tara na kasi!" Napairap na lang ako nang hilahin niya palabas. Patay-gutom din kasi ito minsan. Kaka-lunch lang namin, gutom na naman.

"Oh hanap na muna akong table natin," paalam ko nang makapila na siya.

Naghanap ako ng bakanteng lamesa. at sakto namang may isa malapit sa may counter kaya doon ako naghintay. Medyo mahaba ang pila kaya ilang minuto rin akong naghintay. Maya maya pa ay dala-dala na ni Sky ang orders.

Pinasadahan ko iyon ng tingin. May burger, spaghetti, lasagna, fries at dalawang diet coke. Kumunot ang noo ko. Parang may pa-piyesta ang gaga.

"Kaya mo ubusin lahat 'yan? Gutom na gutom ah," asar ko pa sabay tawa. Inirapan ako ng gaga at padabog pang umupo sa tapat ko.

"Like duh! Para sa'yo 'yang iba, no!" 

Iniusog niya sa akin ang lasagna at isang diet coke. Tinawanan ko ulit siya. Nahiya ako sa tatlong order niya ha.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi na nga ako nakakain masyado dahil natatawa talaga ako sa paglamon ng bruha. At talagang naubos niya 'yon, ha.

"Woahh! Busog at last!" sabi niya pa at hinimas-himas ang tiyan. Tinawanan ko ulit siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Naiiling na lang ako. PG talaga itong babaitang ito, e. 

"Aish! Shut up na Wayve, ha!"

Inis na inis na ang loka pero tinatawanan ko lang. Minsan cute naman siya, pag naaasar.

Napailing ako.

Inaasar ko siya nang biglang may tumawag kay Sky. Sabay kaming napalingon at nakita ko sina Mina kasama ang mga kaibigan namin.

Agad na nawala ang tawa ko nang magkasalubong ang tingin namin ni Airen. Bumuntong-hininga ako. Siguradong hindi na naman nila ako papansinin.

"Guys, here!" sigaw pa ni Sky at itinuro ang mesa namin. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko. 

Nalaman ko na lang na nandoon na sila nang nag-ingay ang mga upuan at lamesang idinikit nila sa mesa namin. 

"Ced you order for us na." 

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon