Chapter 3

1.1K 51 3
                                    

The next day, sinundo ako ni Helios sa bahay dahil magkasabay kami ng schedule. Badtrip pa rin ako sa nangyari kahapon. Why the hell not? Binangungot ako sa nakita ko! Bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko. Bwisit.

Ugh. So annoying.

"Are you okay?" Helios asked when we stopped in front of the med building.

Marahas akong huminga at humarap sa kanya.

"Nah. I'm fine. Medyo di lang maganda gising ko." Tipid ko siyang nginitian. Tumango siya.

"I'll go ahead then." He kissed my cheek and then we parted ways.

Bumuntong-hininga ako at pumunta na sa classroom ko sa 6th floor. I was just 10 minutes early than my prof.

Kinuha ko ang aking binder at nagsimulang nagsulat. I was focused and just listening to my professor. Kunot na kunot na nga ang noo ko habang nagsusulat nang biglang nag-vibrate ang likod ko.

Sandali akong napatigil at napatingin sa bag ko. Nag-vibrate ulit kaya wala akong choice kundi palihim na kalkalin ang bag ko. Palihim pa akong sumulyap sa prof ko na busy sa pagsusulat sa white board bago tuluyang inilabas ang aking phone.

Itinago ko iyon sa aking binder at dahan dahang binuksan.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang text galing sa isang unknown number.

Unknown Number:
I'm sorry.

What? Tss. Weird.

Napailing ako at in-off ang phone ko.

Sino naman ang maro-wrong sent? Sa akin talaga? Tsk disturbo.

Itinago ko na ulit iyon at nagsulat na lang ulit.

When my prof dismissed us, I immediately got out of the classroom. I called Sky and met her in the canteen.

"Wow. Talagang nauna kang kumain, ha," sabi ko sa kanya. Ngumuso naman anh bruha.

"Wag ka nga. Napagalitan ako." Mas tumulis ang nguso ng gaga. Napairap ako.

"Iyan kasi cellphone ka siguro nang cellphone or nakatulog ka." Bumuntong hininga siya, nakanguso. pa rin. Sinubo niya iyong fries niya.

"E nanood pa akong Hotel de Luna." She pressed her lips together.

Umirap ulit ako.

"Ayun. Nakatulog ka na naman," sabi ko sa kanya. Pinalubo niya ang pisngi niya saka sumubo ulit ng fries.

Napailing na lang ako at tumayo para um-order. I ordered some burger and carbonara. Makiki-share na lang ako ng fries kay Sky.

"Hoy, babaita. Bakit ka nga pala biglang umalis kahapon? Hello, iniwan mo kaya ako!" maktol pa ni Sky nang nakabalik ako. Tumaas ang kilay ko.

Naalala ko iyong nangyari kahapon kaya napaismid ako.

"I just saw something- oh wait - someone disgusting pala." I rolled my eyes.

Kumunot naman ang noo niya.

"Huh? What- I mean who?"

"Tss. Sino pa? Your twin brother. And don't even ask me about what he did please. Naiirita lang ako." Kumagat ako sa aking burger. Hindi na rin naman siya nagsalita.

I continued eating. Ganoon din siya.

I was munching my burger and listening to Sky's nonstop rants about her class when someone stopped beside our table. My face soured automatically when I saw who it was.

"Kambs?" Si Sky. Umirap ako. Ngumisi naman ang damuho.

"Hey," he said. Bumalik na naman sa akin ang nangyari kahapon. Ugh! Leche talaga siya!

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon