They say time flies so fast when you're having fun. Well, it goes the same when you've got a lot of things on your plate.
Feeling ko ang ginagawa ko lang sa school ay mag-review, makinig sa lecture at gumawa ng reports. Sa dami ng iniisip ko araw araw, hindi ko na namalayang next week na pala ang midterm week namin. Great. Just great.
Ngumiwi ako habang nakatingin sa schedule ng exams ko next week. I already plotted my exam sched and also the days na kailangan kong mag-review dahil baka magpa-chill chill lang ako. Hindi pa naman ako katulad ni Ate Nia na sobrang focused. Nilagay ko na rin ang mga iyon as alarm sa phone ko.
Pagod akong bumuntong-hininga at sumalampak ng sandal sa couch.
"Okay ka lang Wayve?" Nag-angat ng tingin si Sky na nasa tapat ko. Ngumiwi ako at mabilis na umiling.
"No. Ang dami kong coverage!" inis na sabi ko. Nalukot din ang mukha ng bruha.
"Ako rin sist!" Sabay ulit kaming napabuntong-hininga.
Ngayon lang ulit kami nagkita nito sa sobrang dami ng ginagawa namin sa buhay buhay. We're actually waiting sa kung sino mang available sa barkada nain ngayon. Nasa lounge kami at dahil nga midterms na next week, kadalasan ng mga prof hindi na pumapasok. Nagbibigay na lang sila ng mga requirements and of course pointers. Good for our block, nire-review kami ngn mga profs namin.
Sobrang daming tao ngayon dito sa lounge.
Huminga ako nang malalim at kumuha ng throw pillow sa tabi ko at inilagay iyon sa hita ko. Nilagay ko ang aking planner at phone sa center table. I crossed my arms and legs.
Si Sky ay busy pa rin sa pagsusulat ng kung ano ano. Naisandal ko ang aking ulo sa likod ng couch at saka pumikit.
I feel very exhausted. Oh gosh.
"Wayve?" I heard Sky said.
"Hmm?" tanong ko nang hindi gumagalaw.
"Uhh, your phone."
"Huh?" Dumilat ako at nagkunot noo. Nginuso niya ang cellphone kong nag-ba-vibrate.
"May nag text sayo, o." Tiningnan ko iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang nag-text.
Tarantang kinuha ko ang phone. Shit. Mabilis kong tiningnan si Sky. Napalunok ako. Damang dama ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso.
Takang tiningnan ako ni Sky. Nakagat ko ang aking labi at agad na nag-iwas ng tingin. Oh damn!.
"Okay ka lang?" tanong niya. Mabilis akong ngumiti.
"Ha? Yeah!" Nag-iwas muli ako ng tingin at tiningnan ang text ni Drago.
Damn. Ba't ba bigla bigla siyang nagti-text?! Ngayon pa talaga siya nag-text na kaharap ko ang kakambal niya!
"May tinatago ka ba?" Mabilis akong natigilan at napaangat ng tingin. Iyong bilis ng tibok ng puso ko kanina ay naging doble.
Pinaningkitan ako ni Sky. Napalunok ulit ako.
What the heck.
"Huh? No. Wala," mabilis kong tanggi. Pilit pa akong tumingin sa mga mata niya kahit na feeling ko nasusunog ako sa mga titig niya. Oh gosh.
"Hmm ang weird kasi..."Ngumuso siya. Huminga ako nang malalim.
"Ng ano?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.
"Parang pareho kayo ni Drago."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. The heck!
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...