"Grabe, I cannot believe this! Iyong engineering student ang kasama ni King ngayon!"
"Uy kahapon lang from medtech di ba?"
"Shunga, sa nursing iyon no! Last week pa iyong medtech!"
"Oh my gosh! Ang swerte nila!"
"Sana sa business department din di ba!"
"Wala pa ba?"
"Ewan. Ang sabi di raw talaga nagpi-fling si king ng taga business."
"Hmm baka kasi nandoon si Ate Bella at si Ate Bella lang ang kanyang seseryusohin talaga di ba."
"Hala kilig!"
Muntik ko nang hampasin iyong mga babaeng maiingay sa katabing couch ng lounge.
Seriously? Kailangan talaga mag-chikahan? At kailangan malalakas ang boses?
Hindi ko na alamg kung ilang beses akong tumikhim para lang ma-realize nilang may iba silang nadi-disturbo. But no avail.
Tsaka isa pa, bakit ba lahat na lang ng tao ay obsessed sa mga ka-flings ni Drago? I just really don't get it. Can't they have their own life? Edi mag-fling din sila, bwisit!
Inis kong inayos ang mga gamit ko at saka tumayo. Naghahagikhikan pa rin iyong mga babae. I was so fed up kaya hinarap ko sila.
"Now, I get that this lounge is for public use and is the place to relax, pero pwese ba, be considerate sa mga taong nandito para magpahinga at mag-aral. Ang lalakas ng mga boses niyo. Hindi lang kayo ang tao rito."
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Iniwan ko sila roon.
Now, I need to find another place to study again. Ugh! That Legaspi is a headache! Kahit wala ang presensya niya nagagawa niya pa ring mambwisit!
Umirap ako.
No choice naman ako. I looked around, thinking of where I could spend my vacant time. I have a long quiz after lunch for god's sake! Ugh.
Umirap ulit ako at saka nagdesisyong pumunta na lang ng canteen. Lunch na nga rin naman at saka tinatamad akong lumabas.
I sighed and looked for an empty spot and then I texted my friends kung nasaan sila. Ang saklap lang dahil ngayong sem talagang minsan lang kami nag-aabot. Si Sky ang madalas kong katagpo ng sched kasi di siya ganoon ka-hectic but yeah minsan ewan ko rin sa isang iyon.
Bumuga ako ng hininga at tinext nga siya. After that, I just kept my phone in my sling bag and walked to the counter.
I just ordered some carbonara and lasagna for lunch. Hindi naman kasi talaga ako gutom pa. I just need a comfort food to wash away my irritation.
Tss.
I was on the line when I heard some chuckles from the near table. Hindi ko na lang sana papansinin pero familiar iyong sunod na nagsalita kaya lumingon ako.
At nga naman, if it isn't Mr. Manwhore himself. He's not alone cause with he's with his friends and some girl by his side. Nakaakbay si Drago sa kanya habang ang babae naman ay halos naka kandong na sa kanya. Kulang na lang din ay maghalikan sila sa sobrang lapit ng mga mukha.
Agad na tumaas ang kilay ko nang may nakita akong pahaba na oblong sa lamesa. I don't know what that's called, basta iyong sa mga archi. So, I'm guessing the girl is an archi kasi business naman sila lahat na nandoon.
I scoffed. Archi naman ngayon. Ibang klase. Tss.
Napailing ako at agad nang ibinalik ang tingin sa harap.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...