Nakahilig lang ako sa balikat ni Drago habang binabagtas ng van ang daan papunta sa Hacienda Legaspi. Right after we arrived at the helipad of a luxurious hotel in the center of Cebu, agad kaming lumipat sa van ng mga Legaspi.
Seryosong nakatingin lang si Drago sa harapan. I could even feel his heart beating rapidly. Yumakap ako sa bewang niya. Ewan ko ba, feel kong magpaka-clingy ngayon tsaka may nararamdaman din akong kakaiba at hindi ko maipaliwanag kaya dinadaan ko na lang sa paglalambing.
Ugh. I don't know. I just don't feel right.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kamay niya sa aking bewang. Bumuntong-hininga na lang ako, isinasantabi ang kakaibang nararamdaman.
Ilang minuto pa at naramdaman ko na ang pagliko ng van papasok sa isang malaking eskinita. Lumiko pa iyon at pumasok na sa malaking gate. Sa ibabaw noon ay ang mga katagang 'Hacienda de Legaspi'. Pagkapasok ay sumalubong sa amin ang malawak na entrada ng mansyon. Nilagpasan ng van ang malaking fountain sa gitna at huminto sa tapat mismo ng malaki at magarang pinto.
The house is a spanish inspired mansion, parang mansion lang namin. Nilingon ko ang mansyon na nasa kabilang bahagi ng eskinita. That is our mansion, Hacienda de Fermin. Isang malaking eskinita lang ang pagitan ng dalawang hacienda. Ang daang iyon din ang daan sa magkatabing farmland ng dalawang pamilya sa itaas.
Sakop ng mga Legaspi north ng Jagbuaya habang ang south naman ang sa amin. Wala na masyadong mga tao sa south kaya mas may koneksyon ang mga Legaspi rito. The two mansion almost have the same style pwera na lang at modernize ang sa mga Legaspi at sa amin ay makaluma parin para ma- maintain ang historical image noon. Lolo's just really sentimental. Palibhasa, lola namin ang nagpa-design ng bahay. He wanted to preserve her memory in that house.
Iyong mga bahay ng mga taong nagta-trabaho sa mga farms namin nasa loob at madadaanan on the way to the farm. Bale sa dulo kasi ng malaking daan na nasa gitna ng dalawang mansyon ay may dalawang maliliit na daan na naman. I rarely go here pero natatandaan ko pa naman iyong mga places.
Bale may sari-sariling daan iyong dalawang pamilya para sa mga tauhan nila. Basta almost the same iyong structure on the way to both farmlands.
Di ko nga alam kung bakit twinning pa ang dalawa.Umayos ako ng upo nang pinagbuksan kami ng pinto. Naunang lumabas si Drago at inalalayan ako pababa. Nang makalapit sa malaking pinto ng bahay ay agad kaming sinalubong ng sa tingin ko'y nasa early fifty na babae. Malawak itong ngumiti sa katabi ko.
"Drago, hijo! Aba't napakagwapo mo na!" anito sabay yakap kay Drago. Ngumisi naman si Drago at gumanti ng yakap dito.
"Ikaw rin po manang, gumaganda," hirit pa ng mokong na inilingan na lang ng ginang. Nabaling ang tingin nito sa akin. at nakangiting sinuri ako.
"Eh sino naman itong magandang babae sa iyong tabi?" nakangiting tanong nito.
Nginitian ko rin ito. Napakapit pa ako sa braso ni Drago. Bahagya akong kinabahan sa isasagot ni Drago at mas tumindi iyon nang hinawakan niya ang akinc kamay.
"She's Wayven Fermin, manang. Anak ni Tito Joaquin," sagot niya na nagpatango-tango sa matanda.
Nanatili ang ngiti nito sa mukha at binalingang muli si Drago. Parang may hinihintay pa itong kasunod, katulad ko na naghihintay din. Pero sa halip na sabihin ang hinihintay ko ay iba ang sinabi ni Drago.
"Anyway, nasaan sina Daddy manang? I came as soon as I heard about what happened in the farm. Nandoon ba sila?" Agad kong nakagat ang aking labi at napayuko na lang.
"Ah oo. Nandoon sila. Ewan ko ba at ang gulo ng nangyari kanina hijo," tila sumbong na sambit ni manang.
Narinig kong bumuntong-hininga si Drago. Kumalas siya sa pagkakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...