Chapter 40

1.3K 24 1
                                    


Pagod kong ibinagsak ang aking shoulder bag sa couch ng aking condo. Tiningnan ko ang wallclock ko at mag-aalas siyete na ng gabi. Bumuntong-hininga ako at saka dumiretso sa kwarto.

It's been five months and all I can say is that level 5 in hell yata sa med school. Akala ko double stress ang matatanggap ko, pero triple pa pala. And yes, I'm living on my own.

Actually one month kong kinumbinsi si papa na mag-condo ako kasi first week ng med school umiyak ako sa sobrang traffic. I was almost late with my subject, ang haggard pa ng mukha ko. Sobrang distracted ako sa naging biyahe na lutang na lutang ang utak ko sa discussion.

It was a big adjustment for me tapos dumagdah pa iyong layo. I really begged for papa to agree to the setup providing na uuwi ako ng friday at babalik din ng sunday. Full force na nga sinama ko, e. Sina mama, Naga at Drago talaga naging back up ko para lang pumayag siya. Although I got a feeling na kaya pumayag si papa na mag-condo ako ay dahil lumipat si Drago ng unit dito sa branch na ito.

He's been staying at the other unit pag nandito siya sa Manila. Pero mostly naman kasi nasa Cebu siya. Five months na rin siyang nanliligaw.

Normal naman lahat. I mean we're just really busy with our own lives kaya di na pareho noong palagi kaming magkasama. But when his here, he'd often take me to school kahit walking distance lang. He's brought me chocolates whenever I'm studying. Our dates are usually me studying and him waiting for me to finish memorizing. Then he will be the pne to question me after.

A lot of my friends now in med school often tell me how hard it is to be in a relationship while taking med. Mostly sa kanila naghihiwalay nga. But with Drago, wala namang problema sa kanya. He's been really supportive. I always feel secure around him kahit na ang daming reports ni Sky na maraming nagpapa-cute sa hacienda.

May mga dumating kasing investors at one month yatang nasa mansyon nila. May dalawang babae rawng nagpapa-cute. Hindi ko na lang pinapansin ang reports ni Skyress. Di ko nga alam ba't siya nagrereport. May topak na naman yata iyong babaita. Though, I'm happy that she's back to her old self again.

If Drago will do something stupid again, alam naman niya ang magiging ending ng panliligaw niya at ng second chance na ito. I made it clear to him before. Pero so far naman, wala akong naging problema. He's been really patient and supportive at sobrang na-aappreciate ko iyon.

Siguro kaya rin hindi ko pa siya sinasagot ulit dahil sa mga banta ng friends ko. Well, I know that ours is different from theirs pero ayoko lang talagang madaliin. Saka na siguro pag naka-adjust na talaga ako nang tuluyan. I really want to make this work. I want us to work. Unti-unti na rin naman akong nasasanay sa setup namin. Tsaka isa pa, para pa rin naman talagang kami, minus the kiss, hugs and other intimate things. Ewan, ayoko muna. I really want to start from the basic. Iyong standard na panliligaw talaga.

Akala ko nga hindi siya tatagal, but I was surprised when I saw that the brute waa actually good at it. He's no longer taking things fastly. May preno na. Alam na niya kung anong pwede at sinusunod niya iyon. Sa mga iyan pa lang, I think he's proven himself already.

Kung wala lang ako sa med school baka nga masayang masaya na ako ngayon, kaso hindi.

Oh well, that's just another 4 years at pagkatapos naman iyan mas magiging masaya ako for sure.

Bumuntong hininga ako. Nagbihis muna ako sa kwarto. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina. I'll be cooking dinner for me. Usually sabay kami ni Drago na kumain sa labas pag nandito siya pero since wala, dito lang ako.

I was about to prepare the chicken mang may nag-doorbell. Napahinto ako at napakunot ng noo.

Wala naman akong bisita.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon