Chapter 13

825 36 0
                                    

After that encounter with Rose, I really felt guilty. Hindi ako nakatulog sa pag-iisip noon. Alam mo iyong feeling na takot na takot kang malaman nila ang sekreto mo pero minsan parang gugustuhin mo na lang sabihin para wala ka nang tinatago?

My friends are very understanding, kaya lang I don't think they would be able to understand this situation. I mean if I knew that they would, the I wouldn't have to hide this. Sobrang laki lang ng grudge nila ni Drago at hindi ko rin naman sila masisisi. Thay brute is really an asshole. Aside sa ginawa niya kay Steff noon, ang pinakakinagalit talaga ng barkada ko ay ang kamuntikan ng pagkapahamak ni Rose sa isang party na hinost ng varsity ni Drago. Rose's drink was spiked and Airen and the rest of us were fumming mad about that.

Sky said it was settled na naman daw, pero sadyang matigas ang mga kaibigan ko. They put the blame on Drago kasi siya ang host. Galit din ako sa kanya noon, no. He is a major turn off. Kaya lang naman ako pumayag sa setup na to in the first place ay para tigilan na niya ako. Ayan naiipit tuloy ako sa kanila ng barkada ko.

"Sa wakas nakasama ka rin namin! Pareho kayo nitong si Sky na hindi mahagilap! Pati si Nia!"

Umirap ako sa sinabi ni Airen. I was so guilty that I eventually called Helios to join them for lunch the next day. Mabuti na lang at nagtugma naman ang mga schedule namin.

"You know how hectic my sched..." I just said, though it was partly true. Hectic naman talaga kasi palapit na ang midterms.

"Yeah same. Dito na nga lang tayo sa canteen kumakain o. Kainis naman," reklamo pa ni Rose at umupo sa tapat ko. Hindi mataas ang vacant nila kaya dito na lang kami sa canteen.

We're almost complete. Almost kasi wala si Ate Nia at Mina. Ate Nia has a lot of baggage right now. Bukod kasi sa school may resort pa.

Bumuntong-hininga ako at sumipsip sa aking iced tea.

"Anyway, gossip time, guys!" Airen said. Sabay kaming napailing ni Helios.

Kahit kailan talaga itong si Airen, e. She looked at Sky.

"Sky, ano itong nasa gossip site na ang kambal mong fuckboy ay may secret na idinedate?" Tumaas ang kilay niya saka kumuha ng fries. "Ang malas ng girl ha."

Muntik na akong masamid sa huling sinabi ni Airen.

Shit.

Mabilis kong ibinalik sa lamesa ang iced tea at agad na nagpunas ng bibig.

I immediately looked at my friends, pero busy naman sila. Shocks, Wayven!

Ngumuso si Sky. "Di ko rin alam iyan actually."

Hindi ko alam kung dapat ba akong huminga nang maluwag dahil sa sinabi ni Sky. Bumuntong-hininga na lang ako at tahimik na kumain.

They kept with that Drago topic. Parang iyong mga gossip girls noong isang araw. Hindi ko alam pero para akong napapaso habang nakikinig sa kanila.

I feel really guilty. Damn it. Hindi na lang ako nakisali dahil feeling ko ay malalaman nila ang tinatago ko kapag nagsalita ako. Isa pa, baka kung ano pa ang masabi ko. Gosh.

Huminga ulit ako nang malalim at saka sumipsip sa aking iced tea.

"Okay ka lang?" Sandali akong napatigil at napatingin kay Sky.

"Huh?"

"You're spacing out." Napalunok ako at nakagat ang aking labi. Bahagya akong bumuntong-hininga bago tipid na ngumiti.

"Yeah," sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin.

Nakahinga ako nang malalim nang hindi na rin naman siya nagsalita. Hindi na ako nakasabay sa pinag-uusapan nila. Ang huli kong dinig ay iba na naman ang topic nila.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon