Chapter 38

1K 30 0
                                    

Jagbuaya suffocates me. Parang kada gigising na lang ako, naaalala ko iyong pag-uusap na iyon. Mula noong hinatid ako ni Drago, panay na lang ang kulong ko sa kwarto. I really didn't do anything productive. Lahat ng gagawin ko, naaalala ko siya. Then I'll end up crying again. Hindi ko na maintindihan. However, one thing was clear, and that's I needed to go home asap.

Wala na rin naman talaga akong gagawin doon, so the moment I decided to go home, agad kong tinawagan si papa para magpasundo. Hindi na rin naman siya nagtanong nang sinabi kong kailangan ko nang asikasuhin ang requirements ko sa Clarke.

Magtatanghalian nang dumating ako sa bahay namin. It's a weekday kaya parehong wala si mama at papa. Mukhang may ganap din naman ang iba kong mga kapatid. Ate Nia's in work for sure kaya dumiretso na lang ako sa kwarto para magpahinga.

Bandang hapon nang nagising ako at naisipang bumaba para mag-meryenda. Naabutan ko si Mina sa may bar counter ng dining, kumakain ng apple.

Nilapitan ko siya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Oh? Kala ko bakasyon ang peg mo te?" takang tanong niya sabay kagat sa kanyang hawak na apple.

Nagkibit-balikat lang ako saka kumuha ng orange sa basket ng mga prutas. Binalatan ko iyon.

"Decided to cut it short," sagot ko.

"E? Bakit?"

"Magiging busy ako."

"Eh? Labo mo a."

Inirapan ko siya at tinapos ang pagbabalat ng orange.

"Alam mo, feeling ko may something." I heard her say. Nilingon ko siya. Pinanigkitan niya naman ako tapos kumagat ulit sa kanyang apple.

"Anong something?" kunot noong tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Ikaw. May something sa'yo," kaswal niyang sabi tsaka kumuha ng isang pirasong grapes sa fruit basket.

Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.

"Tss. Tama ako, no?" sabi pa niya. Hindi ako sumagot. Nanatili ang tingin ko sa fruit basket na nasa harapan namin.

I heaved a sigh. "Mina, can I ask you something?"

"Shoot."

"Let's say... someone wanted to date you with the wrong purpose...like ang sabi niya gusto ka niya when in fact iba naman talaga ang agenda niya. Is his act justified kapag totoong nagustuhan ka na niya?"

Nilingon ko siya. Agad na kumunot naman ang noo niya sa akin. Nabitin pa ang papasubo niyang isang piraso ng grapes.

"Teka, may hugot ba ito?" naniningkit ang mga matang tanong niya. Bumuntong- hininga ako at muling nag-iwas ng tingin.

"Nagkita kami ni Drago," sabi ko. Agad kong narinig ang pagsinghap niya.

"Ohh kaya naman pala napauwi ka..." Binalingan ko siya. Kagat kagat niya na ang apple habang tumatango tango.

Nagbuga ako ng hininga.

"Tss. We talked….I mean siya lang pala. He explained his side," sabi ko.

"Then?" I shrugged.

"Then that's it. Iniwan ko siya."

"Oh my gosh!" Mabilis na kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo at yumakap sa akin.

"Omg I'm so proud of you sist! Di ka marupok!" masayang sabi pa niya. Napairap ako at tinulak siya.

"Mina nga!" Umirap ulit ako.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon