Chapter 33

842 26 0
                                    

The end of the semester has finally come. Sa wakas, tapos na ako sa third year. Fourth year na ako.

I sighed.

"Wayve, tara na," tawag ni Ate Nia. Nagmamadaling niligpit ko naman ang mga gamit ko. Kumunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali, e.

"Ba't ka ba nagmamadali? May tinatakasan ka?" kunot-noong tanong ko habang sinasabayan siya sa paglalakad. Inirapan niya ako. 

"Wala! Gusto ko na lang umalis. I just wanna sleep." Napanguso ako. Ang sungit! Edi okay!

Dahil parang praning si Ate Nia na nagmamadaling umuwi, mabilis kaming nakarating sa bahay. Hindi ko alam kung nandito na sina Merian. Iyong mga bunso lang kasi namin ang nakita ko sa sala. 

Wala akong plano ngayon at mukhang wala rin namang gana ang barkadang gumala kaya sasama na lang ako sa mga bunsong kapatid ko. 

"Wait niyo ako. Magbibihis lang ako," sabi ko sa kanila bago pumunta sa itaas. 

I saw Ate Nia went to papa's study room. Nang papasok na ako sa kwarto ko ay nahagip naman ng tingin ko ang kwarto ni Naga. Medyo nakabukas iyon kaya sinilip ko ang loob. Kumunot ang noo ko nang makita siyang nag-eempake sa kama. 

"Saan ka pupunta?" tanong ko sabay pasok. 

Agad siyang bumaling sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya nagsalita. He sighed. Sinarado ko ang pinto at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. 

"Aalis ka?" ulit ko. 

"Yeah. Just vacation," sagot niya. Nangunot ang noo ko.

"Saan? Ganyan karami talaga dadalhin mo?" Bumuntong-hininga siya, halatang nairita sa tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Sa Jagbuaya ako. I'll stay there the whole vacation. Sama ka?" 

"Bakit ka naman doon magsi-stay? Wala na naman ang farm diba?" 

"Tss. I have other things to settle. Plus…may mga importanteng bagay na kailangan kong asikasuhin. Things that are part of me." 

Hindi ko alam pero parang may kakaiba na naman sa sinasabi ng kakambal ko. I felt something odd again. Honestly, ayoko sa ganitong feeling kasi pakiramdam ko may hindi maganda talagang mangyayari. 

"Why do I feel like something is wrong na naman?" salubong ang kilay kong tanong sa kanya. Bahagya siyang tumawa. 

"If you want to come, you may twin." 'Yon lang at pumunta na siyang banyo. 

Ako naman ay nawi-weirduhan sa mga ikinikilos niya. I stared at his big luggage. Wala rin naman akong gagawin dito. At medyo kinakabahan nga ako sa kung ano na namang gagawin ni Naga. 

I heaved a sigh and stood up. 

"Wait for me! I'll just pack!" sabi ko bago umalis sa kwarto niya. 

Agad kong nilagay ang bag ko sa swivel chair ng aking study table. I grabbed my big travel backpack as well as my rattan sling bag. I placed ample of clothes in the backpack. I also brought my laptop with me kahit na hindi ko alam kung saab ko iyong gagamitin. I placed my cellphone, wallet, earphones and charger in the sling bag. 

Nang nakita kong wala na naman akong nakalimutan ay dumiretso na ako sa banyo para mag half bath. Pagkatapos, nag-settle ako sa simpleng maong shorts at isang plain black shirt na pinaresan ko ng wedge white sneakers. I only brought skincare, no make ups. 

When I was ready, lumabas na ako ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Ate Nia at Mama na kunot na kunot ang noo sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong ni mama. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon