The days went by so fast. The next thing I knew, weekend na naman. Bugbog sarado na ako sa mga readings at memorizations namin, kaya nag-decide akong mag-chill lang.
I think may plan sina Rose ngayon pero hindi ako sumama. Di rin naman sumama si Mina dahil may volleyball training siya. Sa aming magkakaibigan at magkakapatid, siya lang ang active sa co-curricular activities. Sina Ced at Helios naman kasi ay nag-lie low yata sa basketball.
Si Naga, hindi ko rin alam. Napapansin ko lately, palaging MIA iyong isang iyon. Tuwing umaga ko na lang siya nakikita pag nagsasabay kami, which is rare na rin kasi makulit si Legaspi at talagang sinusundo ako kahit na sa labas ng village ko pa siya paghintayin.
Tss.
And speaking of that brute, ito tumatawag na naman. Napairap ako bago sinagot ang tawag. Niyakap ko ang unang katabi. It's a weekend, that's why I'm too lazy to even get up.
"What? Ang aga aga, tumatawag ka na," bungad ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa.
"Tss. Our date tomorrow, don't forget."
Napairap ako.
"Hindi ako makakalimutin,"bara ko. Tumawa lang ulit ang loko. Tss.
"Bye na nga."
"Fine, bye babe."
I ended the call. Napailing na lang ako at ibinalik ang phone ko sa bedside table. I yawned and stretched my arms. I really don't feel like getting up. Parang ayokong magpaka-productive today. Well, resting is productivity rin naman. I mean, hindi porket wala kang ginagawa, hindi ka na productive. The rest itself is productive cause it will give you more energy to do work after.
I yawned again. Inaantok pa talaga ako. Gosh.
Niyakap ko na lang ang aking unan saka ipinikit muli ang aking mga mata.
~***~
I didn't know how long did I slept again, basta nagising na lang ulit ako dahil sa gutom.
Damn.
I groaned and forced myself to stand. Humihikab pa ako at nagkukusot ng mga matang pumunta ng banyo.
Naghilamos lang ako at saka nag-toothbrush tapos ay bumaba na rin.
I saw Merian and Daisy on our living room, minding their own businesses. Wala ng tao sa dining. I think nasa work na rin sina mama at papa. Ate Nia's in Cebu for the resort. Every weekend iyan. Si Naga, ayun MIA na naman ata.
"Ang tagal mong nagising, a," I heard Manang Meling say. Humikab ako.
"Bumabawi lang ng tulong, manang," I said and sat on the chair. "Si Naga po pala?"
"Ay ewan ko sa kapatid mong iyan. Nakita ko kanina, lumabas. Baka nag-jogging o ano."
Tumango tango lang ako. I grabbed some bread, cheese and ham and made my sandwich before I stood to make my iced coffee.
Tahimik akong kumain doon. Pagkatapos, bumalik ako sa kwarto para maligo. I was contemplating on sleeping again or browsing the net. In the end, I just watched netflix while browsing the net. Baka kasi may pa-announcement ang beadle namin about school. Baka di ako ma-inform.
Sana naman wala nang dumagdag ng requirements. Ugh.
Basically, that's just what I did. Maghapon lang akong nakatutok sa netflix at nakakulong sa kwarto ko. Bumababa lang kapag kainan na. Well, who cares. I need this freaking rest. I don't wanna overwork my brain.
Iyong mga kapatid ko naman may kani-kanilang mga mundo so, yeah. Walang pakialamanan. Parang ngayon lang yata ako nakapag-relax na relax talagang matatawag. No school works and no Legaspi pestering me.
![](https://img.wattpad.com/cover/204263189-288-k395957.jpg)
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...