The next morning, I woke up at around 9, I think? Kumakalam ang tiyan ko kaya agad din akong bumaba. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush.
Pagkababa ko naabutan ko iyong matandang helper namin na nag-aayos ng lamesa. I looked around to check my brother, but I didn't see him anywhere.
Lumapit ako sa dining.
"Saan po si Naga?" tanong ko sa helper namin.
"Ah nasa sagingan, hija."
Nalaglag ang panga ko.
Wow great. Iniwan ako ng loko. Napairap ako sa inis. Tss. Siya ang nagpapunta sa akin tapos, iiwan ako rito? The heck?!
Ugh.
"Kumain ka na lang muna." Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa isang upuan.
"Anong oras po siya babalik?" tanong ko pagkakuha ng kanin.
"Ay hindi ko alam. Baka dumiretso iyon sa bayan. Bentahan kasi ng saging ngayon. Baka diretso na sila sa suki ng sagingan sa bayan."
Napaawang ang bibig ko.
The hell?
Anong gagawin ko rito? Tss. Napairap na lang ako at kumain na lang. As if naman may magagawa ako. It's not as if pwede ko siyang sundan. Hindi ko nga alam kung saan iyong sagingan, e. Plus, I don't wanna go out, unless I'm with Naga.
Sandali akong napalingon sa malaking bintana ng sala. Bumuntong-hininga ako at napatitig sa katapat na bahay pero agad din naman akong nag-iwas ng tingin.
The fudge.
Lumunok ako at huminga nang malalim. Binaling ko na lang ulit ang atensyon sa pagkain.
Gosh. Kung ano ano na namang pumapasok sa isip mo, Wayven!
Napailing ako at nagpatuloy na sa pagkain.
I don't actually know what to freaking do here. Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto para maligo. I took my time applying skin cares and such kahit di naman talaga needed. What can I do? I'm freaking bored.
I brought my laptop, pero halos lahat naman ng mga movies ko napanood ko na. And did I mentioned that there's no signal here? I mean, there is but mga one or two bars? Hindi rin makakapasok ang internet. So yeah, can't really scroll through social media. Di ko nga alam paano nakakatagal si Naga rito. Siguro kasi sanay na siya.
I groaned in frustration when all I did was stare at the ceiling.
Marahas akong bumuntong-hininga at saka bumaba ng kama. Lumabas ako ng kwarto. Iniwan ko ang cellphone ko kasi wala naman akong gagawin doon.
Bumaba ako at naghanao ng pwedeng pagkaabalahan sa sala. May board games ba rito? Gosh. Sana naman may makita akong pwedeng kaaliwan di ba? Tss.
Inikot ko ang buong sala at pati na ang kusina at dining, pero wala naman akong makitang kainteres-interes. Ayoko man, lumabas din ako sa garden, pero sobrang tirik naman ng araw. Nakakasakit ng ulo.
Sa huli ay bumalik lang ulit ako sa sala at doon sumalampak ng upo sa sofa. Bumuntong- hininga ako at napatanga na naman. I kept on glancing at the main door, hoping that my twin brother is here, pero wala. Bwisit talaga.
Napairap ako at naikuros ang aking mga braso.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatanga roon hanggang sa nakita ko iyong batang helper namin. I think she's our mayor doma's daughter or granddaughter. Mas bata siya sa akin, I guess.
Kumunot ang noo ko nanag makita siyang naghahanda ng tupperware sa dining. Palinga linga pa na parang may pinagtataguan. Nagtaas ako ng kilay saka tumayo at tahimik na lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomanceDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...