Hindi ko alam kung bakit nairita ako habang nakatingin sa barkada ni Drago na nasa isang couch na malapit lang sa amin. He's there of course, laughing with them. I'm here with Sky as well.
Umirap ako at ibinagsak ang aking libro sa hita ko. Naramdaman ko ang pagtingin ni Sky.
"Okay ka lang? Why so grumpy, Wayve?" Dinig kong tanong niya. Napairap ulit ako at sinulyapan sina Legaspi.
I really feel irritated. Naiinis ako sa sinabi niya, pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi nagiging affected ako nang ganito.
Ugh.
What the hell, Wayven? Siya nga, walang pake o! Nakukuha pang makipagtawanan tapos ikaw parang tangang nag-iisip ng kung ano ano tungkol sa inyo.
Tumigil ka, pumayag ka sa setup na yan, hello? Alam mo na naman iyan noon pa!
I shut my eyes tight and heaved a deep sigh. Talagang ngayon pa ako nagkakaganito. Tsk.
Bumuntong- hininga ako at napailimg.
This is bad. Damn bad.
Ugh. Mariin kong ipinilig ang aking ulo saka yumuko ulit at nagbasa. Sinaksak ko ang airpods sa aking mga tenga para makapag-focus lang. I turned the volume up.
Huminga ulit ako nang malalim at pinilit mag focus. I continued reading for my first subject next week. Hindi ko alam kung ilang oras kami ni Sky roon.
Our profs gave us this day as a free slash study day para sa exams next week, so wala talaga akong pasok. Sina Airen wala yatang patawad ang mga profs nila. Sina Helios naman, parang ganoon din kaya ang ending kami lang din ni Sky ang magkasama.
Nang wala na talagang pumasok sa utak ko at medyo nahihilo na ako ay saka ko sinara ang libro ko. I glanced at Sky who was already closing her eyes.
"Pagod na ako..." she groaned. Bumuntong-hininga ako at niligpit na ang mga gamit ko.
"Sky. I'm hungry. Let's go." Kinalabit ko siya at saka sinuot ang tote bag ko.
"I juat wanna sleep, Wayve," reklamo niya na naman. Umirap ako at kinuha ang kamay niya.
"Then, let's go at nang makauwi na rin tayo. Come on. Sumasakit na ulo ko sa gutom," kulit ko at hinila na siya. Nang makatayo na siya at kinuha ko ang dalawa kong libro.
Nauna akong maglakad sa kanya. Sandali pa akong napahinto nang makita kong nandoon pa rin si Legaspi kasama ang mga kaibigan niya. Napalunok ako at sinulyapan siya. Naka-dekwatro siyang upo habang may hawak na mga bondpapers.
Bumuntong-hininga at nilingon si Sky. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Bilisan mo!" inis na sabi ko. Napalakas pa yata masyado ang boses ko kaya napatinginsa akin ang mga nasa kalapit na couch kasama na ang mga kaibigan ni Drago.
Mas lalo kong pinanlakihan ng mga mata si Sky.
"Ito na nga, o!" Umirap ako.
"Hey, Wayve what's up!" Nilingon ko ang nagsalita.
It was one of Drago's friends. I don't know his name, but I'm sure he's part of the varsity team. Hilaw ko lang siyang nginitian at binalingan si Sky.
"Tara!" Umangkla siya sa braso kp at aalis na sana kami nang biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko iyong humawak sa braso ko at bumungad sa akin kaibigan ni Drago. The jerk was even smirking.
The hell.
"Hey, wait lang. You can join us here, you know." His smirk widened. Bahagyang umawang ang bibig ko at akmang hahawiin ang hawak niya pero medyo humigpit iyon.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
RomantizmDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...