Chapter 24

791 25 0
                                    

"You know I cannot do that. Malalaman iyan ng mga kapatid ko at lalo na ng mga kaibigan ko. Come on, Drago." Pagod akong sumalampak sa couch niya.

It's friday and we're half day because of some university meeting ng mga teachers. I don't know.

At dahil nga half day kami ay sumama ako sa kanya rito sa condo. Now, this brute is convincing me to agree to his plan on our date. Ang malala, gusto niya ng overnight!

How am I supposed to tell my father? At hello! For sure magtatanong at magtatanong ang mga kaibigan ko at kapatid. Edi mas lalo kaming nabuko! Gosh.

Napairap ako at itinukod ang aking siko sa arm rest at ang kamay ko ay nakasapo sa aking noo.

"Come on, babe. Akong bahala kay tito. I promise, we will be discreet." Tumabi siya sa akin at iniyakap ang dalawang braso sa bewang ko. Naramdaman ko ang pagbaon ng mukha niya sa braso ko.

I rolled my eyes again.

Nilingon ko siya. Itinaas baba naman ng loko ang kilay niya. Pinanigkitan ko siya ng mga mata.

"Alam mo, nagtataka pa rin talaga ako kung paano mo ako pinagpaalam kay papa noong nag- Baguio tayo." Umayos ako ng upo at ipinagkuros ang mga braso ko. Kumalas naman siya sa yakap at inakbayan na lang ako.

Tumawa lang ang mokong. Nanlaki ang mga mata ko.

"Alam ba niya?" gulat kong tanong. Kumunot naman ang noo niya at nilingon ako.

"Nope. Basta. Akong bahala sayo, okay?" He smirked. I stared at him for a while. Nakipagtitigan naman ang loko.

Napairap ako.

"Tss. Fine."

"Hmm that's my girl!" Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero mas lalo lang ngumisi ang loko at saka ako mariing hinalikan sa labi.

Otomatikonh napakapit ako sa batok niya at napapikit.

Oh damn, Wayven.

I felt him smile between the kiss.

"You'll be surprised, babe," he said. Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. Nakakapit pa rin ako sa batok niya. Nakangiti siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at tipid ding ngumiti.

Bahagya siyang natawa at muli akong hinalikan sa labi.

I took a deep breath and kissed him back as well.

~***~

"Hey Wayve!" Nginitian ko lang si Rose na tumabi sa akin. Nasa lounge kami at nagpapahinga. Papunta na rin sina Helios dito. Himala nga at nagkameet ang mga vacants namin.

I am so damn tired. Kailan nga ba ako hindi napagod.

"Nga pala Wayve, sabi nila Helios, The Ledge daw tayo tonight at nine," sabi pa ni Rose. Kumunot ang noo ko. 

"Anong meron?" Nagkibit-balikat siya. 

"Hmm nothing in particular naman. Just chillin lang. Be there ha. Pupunta rin ako. I'm so stressed." Sinapo niya ang noo at hinilot ang sentido. Nag-iwas ako ng tingin. 

I fished out my phone and checked Drago's text earlier.

From: Drago Legaspi
Hey don't forget our date later. 

I sighed. Planado na ang schedule ko mamaya. Ngayon ang plano niyang alis namin para sa overnight date namin. Sabado naman bukas so walang pasok.

Nasapo ko ang noo. Wala pa nga akong naiisip na excuse kay papa mamaya para magpaalam. Kahit na sinabi ni Legaspi na siya ang bahala, kinakabahan pa rin ako. Ni hindi ko alam kung anong gagawin niyang paalam! Ito pa, what am I going to say to my friends? Ano namang excuse ko ngayon?

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon