Chapter 6

979 47 2
                                    

Kinabukasan, agad na naging bulong bulungan sa buong campus ang nangyari sa birthday party ni Carol.

"Omg, talaga ba?" 

"Oo bes! Jusko ang swerte niya!" 

"Ay halurs! Eh diba nga halata namang siya talaga ang seseryosohin ni King? " 

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usap-usapan ng mga tsismosang nasa corridor. Siguradong isang tao lang ang tinutukoy ng mga ito dahil isang tao lang naman ang tinatawag na king dito sa university. 

Bigla akong nakaramdam ng inis. May pa landi- landi pa siya kagabi tapos may nalilink na naman sa kanya ngayon? Tss. Kaya ako na turn off sa gago eh. Sobrang talkshit! Napairap ako at binilisan na lang ang lakad. Mas nabubwisit ako sa mga naririnig ko sa corridor. 

Malayo pa ang first class ko kaya sa student's lounge ako nagpunta. May klase na ang mga kaibigan at kapatid ko kaya siguradong walang tao sa pwesto namin ngayon. 

Isinaksak ko ang earphones sa magkabilang tenga bago pumasok ng lounge. Ngunit papunta pa lang ako sa pwesto namin nang bigla akong natigilan. 

My twin brother was sitting on our couch. At hindi lang 'yon, kasama niya si Drago Legaspi! Agad na nag-init ang dugo ko at padabog na tinanggal ang earphones. Nag-martsa ako papunta sa kinalalagyan ng dalawa. 

"Anong ginagawa niyo rito? Why are you even here?" kunot noong tanong ko sa kanila. Sabay pa silang lumingon at bumungad na naman ang nakakabwisit na ngiti ni Drago Legaspi. 

"Get out of here Naga," mariing sambit ko sa kapatid ko. Kumunot ang noo niya. 

"Teka ikaw lang ba may karapatan dito kambs? Tsaka wala pa kaming klase kaya tambay muna kami." Kumindat pa ang gago at binalewala lang ang sinabi ko. Sa sobrang inis ko ay sinabunutan siya. 

Bwisit! Wala na nga ako sa mood, dadagdag pa itong bwisit kong kambal! Ugh!

"Aray! A-Aray! Ano ba Wayve naman! Fuck!"  daing niya pa. Ang damuhong si Drago naman ay parang nanonood ng comedyserye at panay ang tawa.

Sinaman ko siya ng tingin. Ang sarap tapyasin ng mukha ng gago! 

"Anong tinatawa mo riyan?! Gusto mo ikaw isunod ko ha?!" nabubwisit na banta ko. Tumawa lang ulit ang gago. Bwisit!

"Wow. You're feisty. Kagabi lang sweet na sweet ka sa'kin ah? Ano 'to? Back to hating me again, Wayve?" Wow! Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng gago. 

"Yeah right, Legaspi. And it's not back to hating you kasi hindi naman ako tumigil sa pag hate sa'yo! FYI plinastic lang kita kagabi! Kagaya ng pampaplastic mo sa'king gago ka!" Inis na ibinato ko sa kanya ang bag ni Naga 'tsaka ako nag walk out. 

Leche talaga! Makapag-library na nga lang nang lumamig 'tong ulo ko. 

Ewan ko ba. Hindi ko naman alam ang buong detalye at chismiss lang ang narinig ko pero may gut feeling akong si Drago talaga ang pinag uusapan ng mga babaitang nasa corridor at ang hindi ko lang matanggap ay muntik na akong bumigay sa panlalandi niya kagabi tapos nang maihatid naman pala ako ay may kalantari naman siyang iba! 

"Bwisit na Legaspi! Talagang sinira pa ang araw ko! Leche!" Padabog kong ibinagsak sa isang mesa ang mga dalang libro. Sinamaan pa ako ng tingin ng librarian pero inirapan ko lang ito. Wala ako sa mood! 

Umupo at binuklat ang mga dalang libro. I needed distraction nang hindi mapuno ng kabad trip-an ang utak ko. May quiz pa naman ako mamaya, mahirap na. 

~***~

Isang nakakakiliting pakiramdam ang gumising sa 'kin. Napakurap kurap ako at kinusot kusot ang aking mga mata. Ano ba 'to?!

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon