Chapter 22

779 25 0
                                    

Midterm week was double hell. I mean, it's really hell naman sa mga nagdaang years, pero dumoble ngayon. Ni hindi ko alam kung bakit.

Umuuwi ako sa bahay na sobrang drain ang utak sa 4 hours na exam. First two days, morning lahat ng exams mo. Nakadepende ang number of exams sa number of subjects mo that day. Wednesday to Thursday naman, hapon ang exams. Uniform yan lahat. Kung may friday ka, depende yata sa prof mo.

I groaned as I stuff my mouth with spaghetti and fries. It's the middle of the week at katatapos lang ng huling exam ko for today.

It's already 6 in the evening at kasama ko si Drago sa condo niya. We weren't supposed to meet pero nadaanan niya ako sa med building at sobrang gutom ko na kaya ang ending sumama na rin ako sa kanya.

Nag-drive thru na lang kami at dito na kumain since malapit lang naman. Iuuwi niya rin naman daw ako ng seven. Gusto ko lang talagang kumain at makapagpahinga kahit saglit lang.

Kumuha ulit ako ng maraming fries at saka kumagat sa malaking burger.

"How's your exams?" Dinig kong tanong ni Drago. Nasa tapat ko siya. Nilunok ko muna iyong sinubo ko saka nagkibit-balikat.

"Okay lang." He laughed.

"Ba't ka nakanguso?" Ngumiwi ako.

"Kasi pagod na utak ko." Kinagatan ko ulit nang malaki ang burger.

Tumawa siya.

"Kaya mo yan, babe." Binaba ko iyong burger at tiningnan siya.

"Ugh. Alam mo yung gustong gusto mo pero ang hirap? Ganoon nararamdaman ko. Kainis ba't kasi ang hirap mag doctor," rant ko pa. Hindi siya nagsalita, sa halip ay ngumiti lang. Tumango tango pa.

Napailing ako at uminom ng iced tea.

"Yeah. Can relate." Umirap ako.

"Huh. Maniwala. Maning mani kaya sa'yo yung negosyo. I mean we know for a fact na tinuruan na kayo diyan, no. And yeah, fuckboy ka lang, but I know you don't take your grades for granted." Uminom ulit ako sa iced tea.

Tumawa lang siya.

Umirap naman ako.

"Well, you're kinda right. But I'm not talking about school though."

Kumunot ang noo ko.

"O, e ano?"

Sa halip na sumagot ay tumitig lang siya sa akin. Natigilan ako. Hindi ko alam pero bigla akong nailang. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang unti unting pag-init ng aking mukha.

Tumikhim ako at uminom na lang ng iced tea. Hindi pa rin siya nagsalita.

Nakagat ko ang labi. Ang awkward.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling tahimik hanggang sa may narinig kaming nag-doorbell. Sabay pa kaming napatingin sa isa't isa.

Kinunutan ko siya ng noo.

"May bisita ka?" tanong ko. Kumunot din ang noo niya.

"Can't think of. I don't bring friends over, especially if you're here." Ngumuso ako. Tumayo naman siya at lumapit sa peep hole.

"Shit." Mas lalo akong napakunot noo.

"Why?"

Nilingon niya ako.

"It's Bella." Nag-igting ang panga niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo. "What?!"

Bumuntong-hininga siya.

"Yeah." Umawang ang bibig ko at nagsimulang mataranta.

Shocks.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon