Chapter 5

1.1K 49 6
                                    

"Stop following me!" I screamed at him. Ngumisi lang at nakapamulsang sumusunod pa rin ang mokong. 

"Gaddd! Bakit ang daming taong hindi makaintindi!" naiiritang sigaw ko na  narinig yata ng buong corridor. 

I don't mind thoug. Ano naman ngayon? Eh sa sobrang bwisit ako sa lalaking 'yan. Idagdag pa ang mga fangirls kuno niya na panay ang sigawan sa gilid.

"OMG! Hi King!" 

"Ang gwapo mo po!"

"Gadd pwede bang maging girlfriend niya kahit one day lang?" 

"King! Ako na lang!"

Gaga hindi ka niyan papatulan! 

Muntik ko nang isigaw 'yon sa pagmumukha nila sa sobrang inis.

Huminto ako at nilingon si Legaspi na kanina pa sunod nang sunod. Kasalukuyan na siyang pinalilibutan ng mga babaeng patay na patay kuno sa kanya and he seems to be enjoying it a lot. 

Tsk. What a playboy.

"Easy girls! Pagbibigyan ko kayo. One by one." Agad akong napairap at naglakad na lang ulit. 

Mas binilisan ko pa ang lakad at baka abutan na naman ako ng damuhong 'yon. Bwisit talaga! Ang galing niya! Ang galing galing niyang mambuwisit!

"Wayve! Have you seen my brotha?" Hindi ko na alam kung pang ilang irap ko na 'yon ngayong araw.  

"Hindi ako lost and found at mas lalong hindi ako sitter niya okay?!" Inis na sagot ko rito. Sky threw me a confuse look. Hindi ko na ito sinagot at nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

Dumiretso ako sa student's longue. May puwesto kami ng mga kaibigan ko roon. Sakto namang pagdating ko ay nandoon at naghahalikan ang dalawa kong kaibigang sina Excedra  at Airen. Nakakalibre tuloy ng show ang mga ibang studyante roon. Magtukaan ba naman. 

"Why don't you just build your own poultry guys? Tukaan kayo nang tukaan eh," pang-aasar ko pa sa mga ito sabay upo sa katapat nitong couch. Sumimangot si Airen.

"Killjoy ka talaga," reklamo nito na tinawanan ko lang. 

"Kayo lang yata ngayon? Nasaan sina Ate Nia?" tanong ko sa lovebirds sabay buklat ng libro ko. Gahd ba't ba ako nag medicine. Nabuwisit ako sa isang exam kanina tapos dinagdagan na naman ni Legaspi! Ilang araw na akong hindi pinatatahimik ng gagong iyon 

"Hmm probably nasa council." Tumango ako kay Airen at ipinagpatuloy ang binabasa. 

"Hey sis!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang bwisit na boses ng aking kambal.

"Anong kailangan mo?" tanong ko. 

"Uhmm may favor lang sana akong hihingiin, if you don't mind." Nagtaas baba pa siya ng kilay. Kumunot ang noo ko.

"And what exactly is that?" Sa halip na sumagot ay may kinuha siya sa bag niya at iniabot sa akin. Kunot noong tinanggap ko ang isang invitation card at binuksan. 

You're Invited! 

Carlota "Carol" Valderama's 22nd birthday party 

Where: Underground Nightclub

When: Wednesday, 9 PM- 12 AM

Mataman ko itong tiningnan tapos ay si Naga.

"And? Anong gagawin ko rito?" tanong ko rito.

Bumuntong-hininga siya at sinipat ang relong nakasabit sa palapusuhan.

"Well that's my favor sis. But I'm running out of time. Klase ko na so let's talk about that this dismissal shall we? Nasa basketball court ako mamaya. Be there!" Agad na siyang tumakbo palayo at kumaway pa. Napairap na lang ako. 

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon