Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang hell week na midterm exam namin nang hindi nababaliw. Buong linggo yatang sumakit ang ulo ko dahil sa mga tests namin.
It's another week. Back to normal na naman. The usual grind. Supposed to be checking lang ngayon ng mga midterm tests at mga follow ups sa mga requirements ng mga professors pero sadyang may mga professors na parang naghahabol sa karera at katatapos nga lang ng exams, nagsisimula na agad ng mga bagong topics at ang malala may quizzes na rin agad.
Wew.
"Grabe naman ang mga profs natin. Wala ba tayong karapatan magdiwang man lang at tapos na ang first phase ng exams ng semester?" Dinig kong reklamo ni Finn. Napairap ako.
I know right.
Napailing ako at nag-type ulit sa laptop. I'm with my blockmates here in the med library. As usual, nagbabasa na naman kami. Tinatamad akong magsulat kaya nagta-type na lang ako ng keywords. May laboratory pa nga pala kami mamaya.
Nahilot ko ang aking sentido at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. I looked at my wristwatch then my phone.
My friends sent some messages sa chat namin. Maya maya pa ay nag-text na si Drago.
Fron: Drago Legaspi
Take out for lunch?Ngumuso ako at tinignan muna ang aking mga kasama. Busy sila kaya kinuha ko ang aking phone at nag-type ng reply.
To: Drago Legaspi
I can't stay long. Can we just eat sa car mo? I have lab subjects after. Need to be early.Bumuntong-hininga ako at bumalik na sa pagta-type.
Since back to regular classes at routine na kami, si Legaspi na uli kasama ko araw araw. Unfortunately, hindi na naman nasunod ang usapan naming weekend lang magkikita. I don't know. Parang naka-program na aming magkita during lunch and dismissal. It become a habit na yata.
Hindi rin naman na kasi kami nagpapang-abot ng mga kaibigan ko because of schedule conflicts. Lately, mga blockmates at groupmates ko sa lab ang palagi kong kasama.
"Wala pa naman tayong quiz tomorrow, Wayve no?" I heard Finn asked.
Sandali akong tumigil sa pagta-type at tiningnan ang phone planner ko. Umiling ako.
"The day after tomorrow pa," sagot ko at ni-click ang message ni Drago.
From: Drago Legaspi
Aight. I'll just drive thru. Call you after.Huminga ako nang malalim at bumalik sa pagta-type. Tinapos ko iyong pag-no-notes ko habang nakikinig kina Finn na nag-o-oral review. Pag tinatamad ako nakikinig na lang talaga ako sa mga review ng mga classmates ko.
Bandang mga 11:30 kami umalis ng Med Lib for lunch. 12:30 ang lab namin so we barely have an hour to eat lunch and prepare.
Sabay kaming lumabas pero pinauna ko sila kasi sa parking lot naman ako pupunta. Sila mukhang sa cafe yata namin. Nag-excuse na lang ako na kasama ko kapatid kong kumain.
The good thing about med department students here isa that hindi sula chismosa. Or wala lang time maki-chismiss. Siguro ang pinaka chismosa na department dito ay itong Business department. I'm guessing na galing din sa kanila ang admin ng gossip site. Palaging updated e.
Napailing ako at maingat na naglakad papuntang parking. Kababasa ko lang ng text ni Drago at kararating lang daw niya sa parking.
Paalis na halos ang mga sasakyan, siguro for lunch, pagkapasok ko. Good thing though. Nakita ko na agad ang aston martin niya sa usual parkin nito. Hinintay ko munang makaalis iyong ibang sasakyan and when the coast was clear, saka ako lumapit doon.
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
Storie d'amoreDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...