Chapter 10

934 44 0
                                    

"Class dismissed." Agad akong tumayo at nagligpit ng mga gamit nang marinig iyon. Pagkalabas na pagkalabas ng prof ay umalis na rin ako.

Pagkababa ko ng Med building ay agad kong ti-next si Drago.

To: Drago Legaspi
Let's meet in that Filipino Cuisine nearby.

From: Drago Legaspi
Sabay na lang tayo.

Umirap ako. Hindi rin makaintindi ang isang ito e.

Gigil akong nag-type ng reply.

To: Drago Legaspi
No. Tapos na class ko. Papunta na ako.

In-off ko ang aking phone at nilagay ito sa bag. Malapit lang naman ang restaurant pero dahil wala naman akong sasakyan at ayoko namang maglakad dahil mainit so nag-book ako ng grab.

Pagkarating ko sa resto ay agad akong dumiretso sa pinakasulok na wala masyadong mga tao. Tiningnan ko pa ang paligid at mukhang wala namang mga estudyante ng Fermin.

Bumuntong hininga ako at umupo sa isang pandalawahang upuan. I placed my bag at my back and fished my phone.

To: Drago Legaspi
I'm here. Sa pinakasulok.

Huminga ako nang malalim at inilagay iyon sa lamesa.

Buffet style dito sa resto na ito. Let's say parang catering ba then we'll just call for the waiter para sa bill. Hindi naman talaga siya iyong formal na fine dining, but the interior is elegant. Marami ring mga businessman ang nagpupunta rito.

I bit my lip at drummed my fingers on the table. Maya maya pa ay nagtext si Drago.

From: Drago Legaspi
I'm here.

Bumuntong-hininga ako at agad na luminga. Mabilis ko siyang nakitang papalapit. Mukhang nakita niya rin naman ako agad. Umayos ako ng upo.

"Hey," he greeted. Tipid akong ngumiti. Humalik siya sa pisngi ko bago pumunta sa upuan niya.

"Sorry, I'm late, needed to pass my papers, babe," sabi niya.

"It's fine. Order na tayo?" sabi ko. Tumango lang siya.

"Yeah, let's eat."

Sabay kaming tumayo at nagpunta sa pinakamalaking buffet sa gitna ng resto.

Pumila kami para kumuha na ng pagkain. Nasa pila na kami nang bigla akong natuod. Oh shit.

"Babe? What's wrong?" Agad kong hiniklas ang hawak ni Drago sa aking balikat.

Sina Airen! Fudge! Bakit sila nandito?! Hindi naman sila palapunta rito! They always go to the mall! Ugh.

Mabilis kong hinila si Drago paalis ng pila.

"Lets go!"

"Huh?" Bumalik kami sa pwessto namin at agad kong kinuha ang bag ko.

"Tara na!" bulyaw ko nang hindi siya kumilos sa kinatatayuan.

"Huh? Why?" I gritted my teeth.

"Basta tara na!"

Hinila ko siya palabas ng resto. 

"Where's your car?!"

"What the eff? Bakit? We haven't eaten yet!"

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.

"Nandiyan mga kaibigan ko! They can't see us! Saan na kotse mo?!" Marahas siyang bumuntong hininga at tinuro ang parking.

Hinawakan ko ulit siya sa kamay at saka tumakbo papunta sa kotse niya. Ako na nga mismo ang pumindot ng car key niya at tinulak siya papasok ng kotse. Mabilis din akong pumasok sa loob.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon