Chapter 31

956 28 1
                                    

"Naga, ano ba!" tawag ko sa kanya. Binilisan ko ang lakad para maabutan siya. 

We were already making noise and Mama's asking what's happening pero busy ako sa paghabol ng kakambal ko. Nang malapit na kami sa kwarto niya ay mabilis akong humarang sa pinto.

"What is your point, really? Ano ba kasing problema?" frustrated kong tanong. Seryoso pa rin ang mukha niya. 

"I already told you what's the problem! Ayaw mo lang makinig!" sigaw niya. Natawa ako.

"The hell! Ikaw nga iyong nagtulak sa akin papunta sa kanya diba?!" I said mockingly, reminding him of our supposed to be deal. Marahas siyang huminga. 

"Iyon na nga e. I totally regretted that. Binabawi ko na. Just fucking stay away from him." Nilagpasan niya ako at mabilis na binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. I was about to follow him pero sinaraduhan niya ako ng pinto.

Now, what?! Hindi ko talaga siya ma-gets! Puro na lang he's not good for you chuchu. Bakit nga?! Why can't he give me a concrete reason?

Ang gulo niya!

~***~

Kinabukasan maaga akong nagising dahil magkikita kami ni Sky. Isa pa iyon sa mga weird,e. Sabay silang naging weird ni Naga actually. She said she has something to tell me raw. 

Napailing na lang ako at nagpunta ng banyo. Naligo lang ako agad para pagkababa ko ay ayos na ako. 

I was preparing my clothes when I saw my phone vibrate. Kinuha ko iyon at tiningnan ang text. 

From: Drago Legaspi
Morning. You gonna go out?

To: Drago Legaspi
Yeah with Sky. 

Inilapag ko ulit ang cellphone sa side table tsaka bumalik sa pag-aayos. Sumagi ulit sa isip ko ang nangyari kahapon. So I was his girlfriend now. I don't know. Still feels weird.

I sighed and grabbed my bag and phone then went out of my room. Bahagya akong tumigil sa harap ng kwarto ni Naga. I tried to open it but it was locked. Hindi ko alam kung nasa loob siya o umalis din. Bumuntong hininga ako at bumaba na lang. 

My siblings were at the dining table already. Wala nga lang si Papa. 

"Morning, ma," bati ko kay mama at hinalikan siya sa pisngi bago ako umupo sa aking upuan. 

"Wayven, alam mo ba kung saan nagpunta ang kakambal mo? Sobrang aga raw umalis." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. So wala nga siya?

"I don't know ma," sagot ko na lang. Tiningnan ako ni mama.

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo kagabi?" tanong niya pa. Napanguso ako. 

"Wala iyon, ma. Just a misunderstanding." I smiled a bit. 

Tila hindi pa convinced si mama sa sagot ko pero hindi na rin naman siya nagsalita. She's very observant. Alam na alam niya talaga kung may mali sa amin kaya ang hirap magtago kay mama.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam lang akong magkikita kami ni Sky. We decided to just meet at Cafe de Fermin. 

Nagulat pa nga ako nang nakitang nauna pa sa akin si Sky. She looked so sad and distracted. Napabuntong-hininga ako at nilapitan na siya. 

"Hey," sabi ko at bumeso sa kanya. Tipid siyang ngumiti. 

Umupo ako sa tapat niya. 

"Okay ka lang?" tanong ko. Malungkot siyang ngumiti. 

"Actually not." I looked at her anxiously. 

"Bakit ano bang nangyari?" Hindi siya sumagot. She bit her lips. I was alarmed when I saw a tear fell down from her eyes.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon