Chapter 25

825 25 1
                                    

Buong biyahe pauwi ay sa bintana lang ang tingin ko. Paano, hanggang sa biyahe ay hawak-hawak pa rin ni Drago ang kamay ko. Ewan, naa-awkward ako. Isabay pang ang bilis ng tibok ng aking puso. Oh gosh, not this again.

Bumuntong-hininga ako at napailing.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang pumarada na ang kotse niya sa gate ng bahay namin.  

Umayos ako ng upo at binalingan na siya. Nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa manibela at ang isa ay pinipisil pisil ang kamay ko. 

"Hhm I'll go ahead, Drago," sabi ko at nginitian siya.

Lumingon siya at bahagyang ngumiti. Ipinatong niya ang kamay, na kanina'y nakahawak sa manibela, sa aking kamay. Bale napapagitnaan ang kamay ko ng dalawang kamay niya. 

Maingat niya itog itinaas at hinagkan. Ang weird pa dahil nakatitig siya sa akin habang ginagawa 'yon at gustuhin ko mang umiwas ng tingin hindi ko nagawa.

Ngumiti siya.

"I had fun today. This is my best date ever, Wayve." Nakagat ko ang labi. 

"Yeah ako rin." Bumuntong-hininga ako. "Uhm so paano I'll go ahead."

Tinuro ko ang pinto.

Bahagya siyang tumawa at tumango saka binitiwan na ang kamay ko. Nginitian ko na lang siya  at akmang bubuksan na ang pinto nang hawakan niya naman ang braso ko.

Kunot-noong lumingon ako ulit. I was supposed to ask why, but before I could say it, he already cupped my face and planted a long kiss on my lips. Binitiwan niya rin ako pagkatapos. 

"Uhmm drive safely," tanging nasambit ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan nito. 

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi mapawi ang ngiti ko habang papasok sa main door ng bahay.

I did enjoy our date. Bumuntong-hininga ako.

Kaya lang hanggang kailan? Until when will I feel this? And until when will this relationship last?

"So, you finally come home. Where did you go Wayve?" 

Tila huminto ang mundo ko nang sumalubong sa akin ang buong barkada. Doon napawi ang aking ngiti. 

Nakatayo at nakapamewang sina Airen at Rose. Nasa mahabang couch naman sina Helios, Excedra at Toffer. Si Mina at Ate Nia ay nasa magkatapat na pang-isahang couch. Agad na umusbong ang kaba sa aking dibdib.  

Shit.

"You ditched us last night, Wayve," Airen started. Bumuntong-hininga ako.

"I didn't, Ren. Sinabi ko kay Rose na hindi ako sasama," sabi ko, which is totoo naman. 

"Yeah. But you never told us you were going with that Legaspi fuckboy!" Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig.

Fuck.

"What? You're wondering how we found out? This, Wayven!" Napanganga ako nang makita ang isang picture.

Shit.

That's me and Drago, falling in line in the cinema! Nakahilig pa ako sa braso niya! What the hell! How did- shit!

Nag-iwas ako ng tingin at nakagat ang aking labi. Bumigat ang paghinga ko. Shit. Shit!

Wala na. Alam na nila! Fuck.

Napalunok ako. Parang hindi ko sila kayang harapin ngayon.

"Wayve, magsabi ka nga ng totoo, kayo na ba? Did he make you one of his girls already?!" Si Airen. Huminga ako nang malalim at ikinuyom ang aking mga kamay.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon