Chapter 37

963 29 1
                                    

Nagising ako nang halos hindi ko naa maibuka ang aking mga mata sa sobrang hapdi. Nangangapang naglakad ako papuntang banyo para maghilamos.

Nang makita ko ang aking mukha sa salaming nasa ibabaw ng sink ay napabuntong-hininga na lang ako. I looked so horrible. Magang maga at pulang pula ang mga mata ko. Parang kinagat ng bubuyog. Iyong pisngi at ilong ko namumula rin.

Huminga ako nang malalim at saka inabit ang toothbrush sa ibabaw ng lababo. Pagkatapos mag-toothbrush ay dumiretso na rin ako sa shower room at agad na naligo. Baka sakaling maibsan ang pamumula at pamamaga ng aking mga mata pag nakaligo na ako.

When I was done, I immediately changed into my house clothes and went down.

Naabutan ko si Naga na nakaupo na sa dining.

"O, buti naman gising ka na. I was about to call you." Dinig kong sabi niya. Hindi ako sumagot, sa halip ay dumiretso ako sa tapat niya at doon umupo.

Tahimim akong kumuha ng kanin at ulam. Tanging mga tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining.

I felt Naga staring at me.

"Okay ka lang?" he finally asked.

"Yeah." Marahan akong tumango at saka sumubo ng kanin.

"Tss. You don't seem to be okay. May lakad ka ba ngayon?"

"Wala." Sumubo ulit ako, nanatiling nakayuko at pokus sa pagkain.

"Gusto mo sumama sa'kin?"

"Saan?"

"Farm." Bahagya akong natigilan. Bumuntong-hininga ako at tumingala sa kanya.

"Ayoko. Gusto ko na umuwi," diretsong sabi ko. Agad na kumunot ang kanyang noo.

"Huh?"

Bumuntong- hininga ulit ako at nag-iwas ng tingin. "Gusto ko nang umuwi ng Manila."

"Why?"

"Ayoko na dito."

Hindi siya nakasagot. Binalot ulit kami ng katahimikan. Bumalik ako sa pagkain. Ilang minuto pa ay narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Tss. Anong nangyari?"

Hindi ako sumagot. 

"Wayven..."

Bumuntong-hininga ako at binitiwan ang aking kubyertos. Tumingala ako kay Naga.

"Nagkita kami kahapon..." Kumunot ang noo niya.

"Nino?"

Nagbuga ako ng marahas na hininga.

"Ni Drago…"

Bahagya siyang natigilan. Muli akong bumuntong-hininga at ipinaglapat ang aking labi.

"He told me things… explanations...his  side or whatever you call that." I shrugged and bit my lip. Napalunok ako.

I waited for his reply. Huminga siya nang malalim saka ako tinitigan.

"You love him."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi at bahagyang nag-iwas ng tingin.

I heard him sigh again. Sinundan iyon ng pagbitiw ng kanyang kubyertos.

"You love him. You didn't forget. You didn't move on. Tinatak mo lang sa utak mo na okay ka na, pero hindi naman talaga. Damn. Ba't ka ba kasi doon pa na inlove." He hissed.

Hindi ako nakasagot.

Bumuntong hininga ulit si Naga. 

"You know I can't do anything with that right?"sabi niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon