Ang daming nangyari. Ang gulo rin. Gosh. Sana hindi na lang pala ako sumama?
Right after the encounter with thr Legaspi yesterday, nagkulong lang ako sa kwarto. Hindi ko alam kung anong pinagkaabalahan nila basta nasa kwarto lang ako. Bumaba para kumain tapos umakyat ulit.
Bumuntong hininga ako at inayos ang aking kama. Naligo na muna ako bago bumaba. As usual tahimik pa rin ang paligid. Pagkababa ko ay nadatnan ko iyong mga househelps na naghahanda sa dining. I scanned the house pero wala naman sina mama at papa. Pati si Ate Nia.
Pumunta na lang ako sa sala at doon umupo. I've got nothing to do but stare at our furnitures actually. Napukaw lang ang atensyon ko nang namataan ko si Naga na pababa.
Umayos ako ng upo at sinundan siya ng tingin. He went to the dining then came back in the sala. Nakaupo na siya sa tapat ko. Hindi kami nagkibuan. I wanted to speak pero baka mag-away na naman kami kaya wag na lang. I'm tired of fights actually.
Parang the past few days ganoon na lang nakikita ko. It's irritating.
Minutes passed at wala pa ring nagsasalita. Nakatungo lang siya. I was starting to get bored actually.
Bumuntong-hininga ako at tumayo.
I think I need fresh air.
"Saan ka pupunta?" Natigilan ako nang magsalita siya. Bumaling ako sa kanya at nagtaas ng kilay.
"Uhm sa labas," sabi ko. He scoffed.
"Tss. Makikipagkita ka na naman sa lalaking iyon? Seriously, Wayven?" Agad na nagsalubong ang kilay ko.
"What? No! Hindi ba pwedeng magpahangin?!" I snapped. Bwisit. Lahat na lang ginagawang big deal?
Seriously?!
Matalim ko siyang tiningnan pero hindi naman siya nagsalita. Umirap ako at tuluyan nang humarap sa kanya. Pinameywangan ko siya.
"Look, I don't know what your problem is. Kung may problema kayo ni Drago, that's yours!" inis kong sigaw at aalis na sana nang magsalita siya.
"Tss. Ikaw at yang fucked up mong decision ang problema ko!" Umawang ang bibig ko at marahas siyang nilingon.
"What the hell is your problem?!" I shouted.
He's really pissing me now, big time!
I looked at him sternly. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at saka tumayo.
"I warned you already. Tangina naman! Hindi ka nakikinig!" Bahagya akong napaatras nang tumaas ang boses niya.
Umawang ang bibig ko.
"What? Is this about Drago again?! What the hell! Bakit ko kailangang maipit sa problema niyo?! I am out of that!" humihingal kong sabi.
"Oh no you're not!" Nanlisik ang mga mata niya. Now, we're at this again
"Then what?! Pwede bang diretsuhin mo ako!" Halos mapaos na ako sa pagsigaw.
Doon siya natigilan. Matalim niya akong tinitigan. No one spoke for a second. All I could hear was our breathing.
He cleared his throat.
"How did you start?" kalmadong tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?"
"How did you fucking start? With Legaspi..." mariing sambit niya.
Napalunok ako. I took a deep breath.
"He said he wants to date me…"
"And you believe him?" he mocked.
"No! But he's annoying kaya pumayag ako. I thought its just for a while but... everything's messed up…"
![](https://img.wattpad.com/cover/204263189-288-k395957.jpg)
BINABASA MO ANG
Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)
Lãng mạnDrago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For three years, she avoided him because she didn't want to be involved. So imagine her shock when he wen...