Chapter 11

899 39 0
                                    

I woke up at around 8 AM the next day. Since hindi naman maaga ang pasok ko ay nagawa ko pang mag- netflix. Di ko rin naman natapos dahil naligo na rin ako after.

Nagsusuklay na ako at nagbo-blower nang dumungaw sa pinto ang kambal ko.

"Di ka pa tapos?" iritadong bulyaw niya. Umirap ako.

"You go ahead. Hindi naman ako maaga. I'll take grab," sabi ko na lang at bumalik sa pagsusuklay. Si manong kasi sasama yata kay mama sa Castell tsaka susundui naman ako ni Legaspi.

Speaking of that brute.

Kinuha ko ang akin cellphone at tiningnan kung may message ba siya pero ang huling text niya naman ay good morning.

Nagkibit-balikat na lang ako at inilapah ulit iyon sa vanity table. Tapos na ako sa buhok ko kaya inasikaso ko naman ang mukha ko. We're required to apply ligjt make up everyday just so we will look presentable.

I just put on a moisturizer then cheek and liptint. Not really a fan of make up in daily basis. I mean, I wear full makeup naman pero pag may mga okasyon lang or pag kinakailangan. Pero pag regular days, I prefer to just put on a tint para di ako maputla.

Nang kontento na ako sa mukha ko ay inayos ko naman ang buhok ko. Hindi kami required magtali, pero maraming professors, especially lab professors, na pinagtatali kaming mahahaba ang buhok. My hair is shoulder length and big curls so makalat kaya pino-ponytail ko.

I stood and went to my full body mirror beside the CR. Pinagpag ko lang ang uniform ko tapos kinuha na ang bag ko. I went down and eat breakfast. Di naman ako nagmamadali kaya kumain ako ng kanin.

Ako na lang ang nasa dining dahil halos lahat ng tao rito sa bahay maaagang umaalis.

I brought out my phone and texted Drago.

To: Drago Legaspi
I'm done. Just eating.

I put down my phone and continued eating.

Maya maya pa ay nag-reply din siya.

From: Drago Legaspi.
On my way.

Ngumuso ako at bumalik lang ulit sa pagkain.

Sa living na ako naghintay sa kanya. Nakaabang lang ako sa aking cellphone nang mag-text na siya.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Alis na po ako," paalam ko kina manang tsaka lumabas ng bahay.

Nginitian ko lang ang guard namin at naglakad palayo. I just told them na susunduin ako ng kaibigan ko sa may park para hindi na sila magtaka.

Nakita ko agad ang Aston Martin ni Drago na nakaparada sa usual na pinagbababaan ko. Tumingin muna ako sa paligid bago dumiretso roon.

"Hi, morning," I greeted. Bumaling siya sa akin.

"Morning too, babe." Ngumisi ang loko. Umirap ako.

"Tara na!" sabi ko na lang at pinaandar na niya ang sasakyan.

I turned on his stereo para naman hindi awkward sa aming dalawa.

"Maaga kang gumising?" I heard him asked. Tumango ako.

"Yeah. I guess nasanay ang katawan ko," sagot ko naman.

"Hmm so this will be our setup whenever your schedule's not early huh." Nilingon ko siya. Nakatingin pa rin ang loko sa daan pero nakangisi. Umirap ako

"Yeah yeah whatever." Tumawa ang loko. Nailing na lang ako.

"Mag-drive ka na lang," sabi ko at sumandal sa backrest. Tinawanan lang ulit ako ng loko.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon