Chapter 4

1K 43 0
                                    

The next day, I tried as much as possible to be in a good mood kahit na natapos ang araw ko nang bad mood kahapon. Tss. Pag bad mood ako, iisang tao lang talaga ang nagiging dahilan e. Gosh.

"Tara na, Wayve!" I rolled my eyes at my brother's call.

I quickly drank my orange juice and grabbed the ziplock of sandwich prepared by mama.

"Alis na po kami!" paalam ko kay mama at papat at humalik sa mga pisngi nila.

"Bilisan mo!" ulit pa ni Naga. Inirapan ko lang ulit siya. Bakit nga ba nagmamadali ang isang to? Ang OA.

"Nandiyan na nga!" Umangkla ako sa braso niya at sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya.

Ewan ko kung anong problema niya at nagmamadali talaga siya. O, well, benefit ko naman kasi ibig sabihin marami pa akong time. I just have lectures today din naman so medyo chill pero baka mamaya magpa surprise quiz pa iyong mga prof ko. Kadalasan sa kanila fan na fan pa naman ng mga surprises, so being early would really give me ample of time to prepare.

My class is at 8 in the morning and we arrived at 7:30 so may thirty minutes pa ako.

"Bye!" paalam ko sa kambal ko pagkaparada niya ng sasakyan. Maaga akong natulog kagabi kaya medyo hindi ako inaantok ngayon.

I was already walking towards the Med Building nang may namataan na naman ako sa harap noon. Agad na tumaas ang kilay ko nang makilala ang mga nandoon. Napaismid ako. Si Drago Legaspi lang naman kasama ang mga kaibigan niya at ang isang...wait - nursing?

Huh. Wow. Ibang klase. Balak yata niyang isa isahin ang mga college dito sa Fermun University. Napairap ako. Oh my gosh. Talagang umagang umaga at binubwisit na naman ako ng isang ito. Pag nakikita ko siya talagang nabubwisit ako agad e. Gosh.

Bumuga ako ng marahas na hininga bago nagmartsa papasok ng building namin. My class is at the 7th floor kaya nag-elevator ako.

Pagkarating ko sa classroom ay agad akong nagsaksak ng airpods. I played some pop music. Gosh, they're relaxing.

"Open your book to page 87."

Agad akong napaigtad nang marinig ang prof namin. Inilibot ko ang tingin at nakita kong wala pa naman ang iba naming classmates. I glanced at my wristwatch.

Damn. Ang early bird ni doc!

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang aking libro at binder. Buti na lang pala talaga at maaga kami ni Naga. Tss.

After that class, I decided to just go to the main library to chill. Balak kong mag-netflix muna tutal three hours ang vacant ko. We have our own college library tapos isang library na nasa ground floor ng admin building. Iyon ang pinakamalaking library ng campus. Iyon din pinakamalamig at pinakamagandang interior kaya mas gusto ko roon.

"Wayve, pasa ko sa'yo later iyong part ko ng report," one of my blockmate said as we were heading out of the med building. Tumango lang ako tsaka nginitian siya.

We parted ways when we got out. Dumiretso ako sa admin building. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao sa loob. I just signed on the logbook and then went in. Pumwesto ako sa isang table for four na nasa may bandang left wing ng library.

I placed my bag on one chair and sat on the chair next to it. Kinuha ko ang aking ipad at pinuwesto iyon sa harap ko. I opened netflix and browsed some movies. Well, I prefer watching movies to chill. I only watch series kapag trip kong humilata.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng panonoorin nang biglang may umupo sa harapan ko.

"Hey, Fermin." Agad na nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya.

"What the hell?!" Bahagyang tumaas ang boses ko. Sinenyasan niya naman ako.

"Shh." At tumawa ang gago.

Oh my god! This jerk! Bakit ang dali daling mabwisit ng Legaspi na ito ang araw ko?! Pati ba naman ngayon?! Bakit ba siya sulpot nang sulpot?!

"Ano na namang kailangan mong bwisit ka!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Tumawa ulit siya.

"Hey! Come on! Chill lang!" bulong niya pa at natawa ulit.

I gritted my teeth and throw him some dagger glares.

"Alis!"

Hindi ko alam kung talagang tumaas ba ang boses ko at narinig ko ang pag-bell ng librarian. Hindi gumalaw ang loko. Ngumisi pa! Ugh bwisit!

"Sabing alis!" Muntik ko nang hampasin ang lamesa sa sobrang inis. Gigil na gigil akong sigawan siya pero baka mapaalis naman ako.

Gusto ko lang naman mag-relax! Ugh! So annoying!

"Bakit ba hate na hate mo ako?" Sa halip ay sagot niya. What the heck?

Ipinagkuros niya ang mga braso at sumandal sa likod ng kanyang upuan.

"Bakit sa tingin mo?" hamon ko. Nagkibit-balikat naman siya.

"I don"t exactly know, Fermin." Umirap ako.

"Huh. I just don't like to associate myself with some manwhore okay?" I mocked him. Agad namang naningkit ang mga mata niya.

"Woah watch the words, babe." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Babe your face."

Tinawanan ulit ako ng loko! So annoying!

"Come on! So hot! Kalma lang!"

I threw him another glare. Mas lalo lang yata siyang na-amuse kaya ang gago ay tumayo pa at lumipat sa tabi ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Alis nga!" gigil kong bulong. Kung wala lang talaga kami sa library!

"Ayoko." Ngumisi siya nang nakakaloko. Malapit na talagang mapigti ang pisi ko sa isang to!

"Bakit ba kinukulit mo ako?!" bwisit na tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

Ni- bell ulit ang librarian at this time tumingin na sa gawi ko. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking katabi ko. What the heck?! Ugh!

"Bwisit ka talaga, Drago Antonio Legaspi!" gigil kong bulong habang inaayos ang mga gamit ko.

Takang tumingin naman siya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin at saka nag-walkout. Napapadyak ako ng inis pagkalabas ng library. Sana pala sa med lib na lang ako at nang hindi siya nakasunod!

"Hey, Fermin!" Agad akong lumakad nang marinig ang boses niya. Halos lakad takbo na ang ginawa ko at ni hindi ko na alam kung saan ako papunta! Bwisit talaga siya!

"Come on, you didn't even replied to my sorry! Am I forgiven?!" he shouted habang nakasunod sa akin. Mariin kong naikuyom ang aking mga kamay sa gigil at mas binilisan pa ang paglakad.

"Come on, Wayve! I just want to talk!" I could imagine him smirking while saying those words. Huh.

"Ayoko!" sigaw ko pabalik. Hindi ko alam kung may ibibilis pa itong lakad ko. Kulang na lang mag-marathon na talaga ako, e.

"Bakit ba kasi ayaw mong makipag-usap? Usap lang!" Tumawa ang damuho. Mas lalo lang akong nanggigil sa kanya! Ugh!

Nakarating na ako sa main field ng campus. Tumigil ako para huminga. Lechw kanina pa ako paikot ikot ng lakad.

"Anong gagawin mo rito?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na naman siyang sumulpot sa harapan ko.

"Oh my gosh, ang kulit kulit mo!" Dala ng inis ay hinampas ko siya ng sling bag. Agad naman niyang sinagang.

"Damb you're really feisty, huh," tila amused na amused niyang sabi sabay ngisi. Mariin akong napapikit at napapadyak sa inis lalo na nang narinig ko na naman ang annoying niyang tawa!

Lord, kailang ba ako titigilan ng damuhong ito?!

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon