Chapter 12

862 33 0
                                    

Parang naging himala ang first period ko that day kasi hindi pumasok ng prof namin. Free cut ang ending.

Busy na sa pag-aayos ng mga gamit nila ang mga blockmates ko. Iyong iba umalis na kaagad pagka-announce ng beadle namin na hindi papasok si sir.

Tumayo ako at sinukbit ang aking bag. Nilapitan ko ang isa kong groupmate sa bacteriology lab.

"Finn, meeting tayo later?" tanong ko sa isang groupmate ko. Tumingala siya.

"Not yet sure, Wayve. Next next week pa naman ang dealine di ba? May meeting kasi ako sa org mamaya. Or chat na lang siguro tayo or video call?" Nagkibit balikat ako.

"I'm fine with video call." Tumango siya.

"Sige, ako na ang magsasabi sa mga groupmates natin." Bumuntong-hininga ako at tumango rin.

"I'll go ahead," sabi ko na lang tsaka tumalikod.

Palapit na ang midterms namin and bukod mga profs na sobrang dami magp-requirements, busy rin kadalasan ang mga organizations ng school. Marami rin naman kasing activities ang school like intramurals and everything. As much as I want to meet face to face, okay na rin siguro ang via video call. Marami kasing ganap ang mga groupmates ko. Now, that's why I didn't have any orgs na when I reached second year. It's acads over co-curricular talaga. Hindi katulad sa high school.

I still have almost an hour to spare before my next class, so I decided to just go to the lounge. Doon na lang ako tatambay. Kadalasan ng mga ganitong oras, may mga klase pa ang mga estudyante so siguro hindi pa naman punuan ngayon.

I walked through the open field to reach the lounge. Tama nga ako, wala pa masyadong tao roon. Kadalasan pang nandoon ay mga nag-aaral. Inisip ko na rin kung mag-aral na lang, but nah. Feeling ko sobrang aral ko na nitong mga nakaraang araw. My brain needs a rest.

I settled on our usual couch sa may sulok ng lounge katabi mismo ng glass wall. Inilagay ko ang bag sa coffee table at saka kinuha ang aking ipad. The campus has wifi connection everywhere so it wasn't difficult to connect.

I opene netflix and clicked the first movie that popped up in the recommendation. Pampalipas oras lang naman.

I crossed my legs and placed the ipad on the coffee table. Isinaksak ko ang airpods sa aking tenga at ni-play iyon. Hininaan ko ng kaunti, iyong enough lang para marinig ko pa rin ang paligid.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may pumasok na isang grupo ng mga babae. Umupo sila sa couch na katabi lang din ng couch ko.

"Alam niyo ba wala na rawng pini-fling si King ngayon?"

Agad akong napatigil nang marinig iyon. Dahan dahan akong napatingin sa kanila. I know who they're talking about. Well, isa lang naman kasi ang tinatawag nilang king dito. It's just Drago.

"Ows?" Nanlaki ang mga mata ng babaeng nakalugay ang buhok. Lima silang babae. Iyong dalawa nakatalikod sa akin habang iyong tatlo ay nasa tapat nila at nakaharap sa akin.

"Oo sist! Trending yan sa gossip site! Kasi di ba noon, everyday may laman ang gossip site, eh ngayon, wala na!" sabi pa noong babaeng katabi ng babaeng nakalugay ang buhok.

"Wala na rin daw nakakakita sa kanyang may kasamang babae. Panay sina Cody na lang ang kasama," dagdag naman ng babaeng nasa gitna na nakatalikod sa akin.

"Uy pero may rumors na baka raw may sineseryoso na sya ngayon kaso hindi pa alam kung sino." Iyong babaeng nakalugay ang buhok.

"Hala, baka naman si Ate Bella lang no! Siya lang naman potential na seseryosohin ni King!" Napapalakpak pa ang babaeng katabi ng noong nakalugay ang buhok.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon